Balita

Ligot at misis, absuwelto sa tax evasion

- Jun Ramirez

Pinawalang sala ng Court of Tax Appeals si dating military comptrolle­r Jacinto Ligot at ang kanyang misis na si Erlinda sa kasong multi-million tax evasion.

Ngunit sinabi ng Third Division na maaari pa ring isulong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang civil aspect ng kaso para makolekta ang kakulangan sa income taxes ng magasawa na diumano’y umaabot sa kabuuang P400 milyon para sa mga taon mula 2001 hanggang 2004.

“It is well-settled that the taxpayer’s obligation to pay the tax is an obligation that is created by law and does not arise from the offense of tax evasion,” saad sa 83-pahinang desisyon.

Sinabi ng mga abogado ng BIR na iaapela nila ang hatol.

Inakusahan ang mag-asawa ng paghahain ng maling income tax returns at Statements of Assets Liabilitie­s and Networth (SALN) mula 2001 hanggang 2004 na idinedekla­ra ang kinita mula sa kanilang mga sahod, sa halip na ang kabuuang halaga ng kanilang naipong kayamanan na mahigit P400M sa loob ng apat na taon.

Inakusahan din sila ng pagbili ng undeclared real estate properties sa Metro Manila at sa mga lalawigan at pagkakaroo­n ng malaking bank deposits na diumano’y higit sa kanilang lehitimong kinikita.

May hiwalay na kaso din si Ligot sa Sandiganba­yan na graft at seizure proceeding­s of assets na diumano’y nabili niya noong siya ay treasurer ng Armed Forces of the Philippine­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines