Balita

Tatay at 2 anak, tigok sa road mishap

- Orly L. Barcala at Minka Klaudia S. Tiangco

Patay ang isang tatay at dalawa niyang anak nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isa pang motorsiklo at truck sa Lingunan, Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng awtoridad ang mga bikima na sina Romeo Escamate, Jr., 34, security guard; Mark Robert Escamate, 9, estudyante; kapwa residente ng Barangay San Vicente, Santo Tomas, Batangas; at Mary Lord Escamate, 10, estudyante, at residente ng Dulalla Street, Lingunan, Valenzuela City.

Kinilala ang truck driver na si Mateo Catantan, 51, ng M. Gregorio St., Canumay East, Valenzuela City.

Sa ulat, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang Dulalla St., sa Valenzuela City at patungong kanluran habang ang truck ay sa kabilang direksiyon.

Pagsapit sa Dulalla Bridge, sinubukan ni Romeo na lampasan ang motorsiklo ng suspek at bumangga sa truck ni Catantan.

Kapwa nawalan ng balanse ang motorsiklo ng mga biktima at ng truck at nagbanggaa­n.

Binangga rin ng motorsiklo ng suspek ang sasakyan ng mga biktima, kaya bumulagta sa semento ang mga pasahero.

Nagulungan ang ulo ni Romeo ng sasakyan ng suspek, habang si Mark Robert ay nagtamo rin ng matinding pinsala sa ulo, dahilan upang sila ay agarang mamatay.

Isinugod naman si Mary Lord, na malubhang nasugatan, sa Valenzuela Medical Center, ngunit nasawi makalipas ang ilang oras.

Inaresto si Catantan matapos ang insidentes nang matunton ang kanyang sasakyan sa impounding area sa Valenzuela City.

Kakasuhan ang suspek ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injury, at damage to property.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines