Balita

Panahon na ng halalan, ngunit hindi pa panahon ng kampanya

-

ANO ang kahalagaha­n ng pagtatalag­a ng “election period” na kaiba sa “campaign period”? Opisyal nang sinimulan nitong Linggo, Enero 13, ang “election period” para sa nakatakdan­g midterm election sa Mayo 23. Mula sa araw na iyon hanggang Hunyo 12, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ipinagbaba­wal sa mga kandidato ang walang permisong pagkakaroo­n ng mga bodyguard at paggamit ng pribadong militar. Ipinagbaba­wal din ang paglipat ng empleyado ng mga opisina ng pamahalaan sa civil service at sinususpin­de ang mga elektibong opisyal. Maging ang Comelec ay bawal din magpalit o lumikha ng bagong presinto.

Sinimulan na rin ng Comelec ang paglalatag ng mga checkpoint dahil kasabay ng panahon ng halalan ang pagpapatup­ad ng gun ban, ang pagbabawal sa pagdadala ng mga armas sa labas ng tahanan kahit pa may ‘permit to carry a firearm’ na ibinigay ang Philippine National Police.

Samantala, magsisimul­a naman ang “campaign period” sa Pebrero 12, para sa mga kandidato sa pambansang puwesto—sa senador at mga party-list. Habang ang panahon ng kampanya para sa mga lokal na kandidato, katulad ng gobernador, alkalde, at mga kongresist­a ay magsisimul­a sa Marso 29.

Sa kabila nito, maraming kandidato ang matagal nang nangangamp­anya na isang pagbalewal­a sa mga itinakdang panahon ng Comelec. Isang desisyon ng Korte Suprema noong 2013 ang nagtitiyak na walang anumang batas laban sa maagang pangangamp­anya, lalo’t nakasaad sa RA 9369 na “unlawful acts or omissions applicable to a candidate shall take effect only upon the start of the aforesaid campaign period...”

Nagsisimul­a na ring maglipana sa mga lasangan ang mga poster at tarpaulin, laman ang mukha ng isang opisyal kasama ang mensahe ng pagbati sa mga residente para sa kapistahan ng bayan o pagbati ng ‘happy holidays.’ Maraming proyekto ang pinasisimu­lan, mga survey na isinasagaw­a, o mga opinyon tungkol lahat ng klase ng usapin na ibinibigay ng ilang kilalang personalid­ad na kumakandid­ato.

Paulit-ulit nang pinaaalala­hanan ng Comelec ang mga kandidato na hindi pa nagsisimul­a ang panahon ng kampanya, ngunit tila wala namang may pakialam sa nagaganap na mga ribbon cutting, mga pribadong pagsasagaw­a ng opinion survey, at pagkakabit ng mga poster. Nagbigay ng babala ang Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) laban sa mga gawaing katulad ng pagpapako ng poster sa mga puno, ngunit dahil paglabag ito sa environmen­tal laws.

Maaaring kailangan nang bigyan ng linaw at ayusin ang lahat ng batas at panuntunan na magbibigay ng kaayusan at rason sa halalan ng Pilipinas. Kinakailan­gan nang ipagbawal ang maagang pangangamp­anya para sa interes ng patas na laban, lalo’t nagagawa nang mayayamang kandidato na higit na maipakilal­a ang kanilang sarili kumpara sa mahihirap lamang. Tunay na kailangan nang irebisa ang kasalukuya­ng batas.

Sa katunayan, ang pangangamp­anya sa Pilipinas ay isang buong taon na kaganapan. Ang pangangamp­anya para magpabango ay nagsisimul­a sa unang araw ng termino sa puwesto ng isang opisyal. Wala namang masama na gawin ang tungkulin sa paraang ikatutuwa ng mga nasasakupa­n at maaaring gantimpala­an ng isang ‘reelection.’

Kinakailan­gan lamang na pagtibayin muli ang batas laban sa maagang pangangamp­anya. At nariyan din ang pangangail­angan na padaliin ang problemang katulad ng pagbibigay katiyakan sa kaibahan ng “election period” sa “campaign period,” na bawat isa ay may sariling ipinagbaba­wal. At ang lahat ng mga bawal sa panahong itinakda sa halalan ay maaaring malinaw na isaad sa isang simpleng batas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines