Balita

PBA muses, kinabog lahat ni Mega

- Ador V. Saluta

ILANG beauty queens at sikat na artista ang namataan sa starstudde­d opening ceremony ng Philippine Basketball Associatio­n

(PBA) sa pagsisimul­a ng PBA 44th season at the Philippine Arena in Bulacan nitong Sunday.

Pagpasok pa lang sa stage ng roster of teams, all eyes fell on their beautiful muses including, among others, beauty queens Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, who represente­d the Barangay Ginebra San Miguel; and Miss Internatio­nal 2016 Kylie Versoza, who led the San Miguel Beermen.

Umani rin ng palakpakan at tilian ang Halik actress na si Yam Concepcion, muse ng Phoenix Pulse Fuel Masters; at ang cover girl na si Sam Pinto, na kumatawan sa TNT Katropa.

As for teams who booked fellow athletes as their muse, the NLEX Road Warriors went with profession­al and volleyball superstar Alyssa Valdez of Ateneo De Manila University, while Blackwater Elite had volleyball player Myla Pablo and Olympic swimmer Jasmine Alkhaldi as take over.

Samantala, ang real surprise ay ang presence ni Megastar Sharon Cuneta,

bilang muse ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Muse rin ang young stars na sina Klea Pineda (Alaska Aces) and Kelley Day (Columbian Dyip), si Grand Internatio­nal Philippine­s 2018 Eva Patalinjug (Meralco Bolts), Mutya ng Pilipinas Tourism Internatio­nal 2018 Aya Fernandez (North Port Batang Pier), and Mutya ng Pilipinas finalist Anie Uson (Rain or Shine Elasto Painters).

Pagkatapos mapanood nang live sa TV5 ang PBA opening ceremony, ilang netizens ang nam-bash kay Sharon, na dati nang nag-muse sa PBA.

Bakit nga ba hindi? Ang Megastar kasi ang endorser ng Magnolia Pambansang Manok, kaya malugod niyang tinanggap ang paanyaya na maging muse ng Magnolia team.

In fairness, si Sharon ang umani ng napakalaka­s na tilian sa buong Philippine Arena that Sunday evening.

 ??  ?? Sharon
Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines