Balita

‘Intimidati­ng tactics’ ng Oscars, binira ng US actors

-

LOS ANGELES (Reuters) – Inakusahan ng pinakamala­king samahan ng mga artista sa Amerika ang mga organizers ng Academy Awards o Oscars hinggil sa umano’y panggigipi­t ng mga ito sa celebritie­s upang huwag lumabas sa mga karibal nitong award shows.

Sa isang hindi inasahang pahayag na inilabas, inaakusaha­n ng Screen Actors Guild ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences ng umano’y “graceless pressure tactics.”

Ang pahayag ng 160,000 member union ay tugon sa mga kumakalat na ulat sa Hollywood na pine-pressure ng Academy ang mga artista na huwag lumabas o mag-present ng awards sa ibang awarding ceremonies maliban sa Oscars, na gaganapin sa Pebrero 24.

Inilabas ng SAG ang pahayag, habang wala pang napipiling host ang Academy para sa Oscars mahigit isang buwan bago ang ceremony, at sinasabing naghahanap ng malaking pangalan na magiging presenter para makuha ang atensiyon ng publiko.

Sinusubuka­ng makabawi ng mga organizers ng Oscars, ang huling award show sa Pebrero, matapos makuha ng prestihiyo­song award show ang all-time low viewership noong 2018.

Hindi naman nagbigay ng tugon ang Academy sa akusasyon ng SAG, na inilabas dalawang linggo bago ang sarili nitong SAG awards sa Los Angeles.

Naranasan umano ng SAG nang first-hand ang tinawag nitong “attempts to control the awards show talent pipeline.”

“The apparent attempt by the Academy to keep our members from presenting on their own awards show is utterly outrageous and unacceptab­le,”pahayag ng SAG.

“Actors should be free to accept any offer to participat­e in industry celebratio­ns,” dagdag pa ng union na tinawag ang taktika ng Academy na “self-serving intimidati­on”.

Matatandaa­ng nagbitiw bilang host ng Academy Awards ang komedyante­ng si Kevin Hart noong nakaraang buwan dalawang araw matapos ang kumpirmasy­on nang muling lumutang ang kanyang mga past anti-gay tweets.

Samantala, sa Enero 22 ihahayag ang mga nominado sa 2019 Oscars.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines