Balita

Bouchard vs William sa Aussie Open

-

MELBOURNE, Australia (AP) — Umusad sa second round si Eugenie Bouchard nang magaan na gapiin si wildcard entry Peng Shuai ng China, 6-2, 6-1, nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Australian Open sa Melbourne Park.

Na-saved ni Peng ang isang match point sa kanyang service play, ngunit nakabawi ang Canadian star para makumpleto ni Bouchard ang panalo sa loob lamang ng 59 minuto.

Target ng 2014 Wimbledon finalist na muling mapataas ang ranking matapos malaglag sa 79 sa pagtatapos ng 2018 season.

Masusukat ang kahandaan ng dating World No.5 at 2014 Australian Open at French Open semifinali­st, sa pakikipagt­uos kay 23-time Grand Slam singles champion Serena Williams sa Huwebes.

Nakalusot si Williams, unang sabak sa Melbourne Park mula nang manalo noong 2017 finals, nang gapiin si Tatjana Maria, 6-0, 6-2, sa pinakamabi­lis na 49 minuto.

Hindi nakapagdep­ensa si Williams sa kanyang titulo sa nakalipas na season matapos magsilang sa unang supling.

Nagwagi rin si Madison Keys, 2017 U.S. Open finalist, kontra sa 18-anyos wild-card entry na si Destanee Aiava, 6-2, 6-2.

“I expected it to be tough — obviously playing an Aussie on Rod Laver. Thanks for the love, anyway,” pahayag ni Keys.

Ginapi naman ng seventhsee­ded na si Karolina Pliskova, kampeon sa Brisbane Internatio­nal kamakailan, ang kababayang Czech na si Karolina Muchova 6-3, 6-2.

 ?? AP ?? IBINALIK ni Eugenie Bouchard ang bola sa forehand shot laban kay Peng Shuai ng China sa first round match ng Australian Open tennis championsh­ips nitong Martes sa Melbourne, Australia.
AP IBINALIK ni Eugenie Bouchard ang bola sa forehand shot laban kay Peng Shuai ng China sa first round match ng Australian Open tennis championsh­ips nitong Martes sa Melbourne, Australia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines