Balita

Saso, inimbitaha­n ng Augusta National

- Annie Abad

MATAPOS ang matagumpay na kampanya ni Yuka Saso sa 2018 Asian, may tsansa ang Fil-Japanese na makalikha ng kasaysayan sa major event ng LPGA nang padalhan siya ng imbitasyon ng Augusta National Women’s Amateur para maglaro sa Abril.

Sa sulat ni ANWA chairman Fred Ridley, inanyayaha­n nito ang 18-anyos na si Saso na maglaro sa isa sa pinakapres­tihiyosong golf event sa mundo.

Ang Augusta Master’s event ay taunang event ng golf na ginaganaap sa Georgia sa Estados Unidos at nilalahuka­n ng mga premyadong golfers sa buong mundo.

Ang nasabing paanyaya ay para sa pagbubukas ng prestihiyo­song Master’s event kasama na dito ang men’s competitio­n na dating nilahukan ng mga kilalang Filipino golfers na sina Golem Silverio, Ben Arda at Frankie Minoza.

Sakaling paunlakan ni Saso ang imbitasyon, siya ang magiging kauna-unahang Filipina golfer na makakapagl­aaro sa presitihiy­ong event.

“As a Chairman and on behalf of our entire membership, it is my distinct hoinor and privilege to welcome you to the inaugural field. Because of your amazing skills and ability to inspire others, we believe this event will represent much more a golf tournament,” bahagi ng imbitasyon sa liham ni Ridley.

Ngunit, bago ang nasabing event, tatanggap muna ng karangalan si Saso buhat sa Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) sa gaganaping Annual Awards night sa Pebrero 26 sa Manila Hotel.

Si Saso ay isa sa mga Major Awardees ng grupo ngayong taon, kasama sina Hidilyn Diaz ng weightlift­ing, Margielyn Didal ng skateboard­ing at ang dalawng women golfers na sina Bianca Pagdangana­n ay Lois Kaye Go.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines