Balita

Kaakibat ang PSC sa Palarong Pambansa

- Annie Abad

TULOY ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbabalan­glas ng mga bagong programa ng Department of Education (DepEd) at Local Government Units (LGUs) sa layuning makapaghub­og ng mga bagong talento na mahahasa para sa National Team.

Ayon kay PSC chairman William “Buttch” Ramirez, ang mga top athletes sa gaganaping Palarong Pambansa sa Davao City ay bibigyan ng tulong pinansiyal ng ahensiya para mas masanay at mapasama sa National Team.

“These oustanding athletes will undergo special training and will then be sent to compete in ASEAN and in ASIAN meets,” pahayag ni Ramirez.

Bago natapos ang taong 2018, ay pinagtibay ng PSC ang kanilang pagsasanib puwersa sa Department of Education (DepEd) sa pamamagita­n ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan mismo nina Ramirez at ilang mga kinatawan ng Kawanihan ng Edukasyon.

Naniniwala si Ramirez na ang kanilang pakikipags­anib puwersa sa DepEd ay makakatulo­ng sa pagpapalaw­ig ng ahensiya ng kanilang proyekto para sa grassroots sports program.

Makikipagt­ulungan din ang dalawang ahensiya sa Department of Health, Technical Education at Skills Developmen­t Authority, Commission on Higher Education at sa Armed Forces of the Philippine­s.

Sinabi ni Ramirez na hindi magiging kumpleto ang kanilang pagsasakat­uparan sa grassroots sports program kung wala ang tulong ng DepEd at mga nasabing kawani ng gobyerno.

“We feel that there’s something lacking, so we will be partnering with them to forge grassroots program in sports,” ani Ramirez.

Ang Palarong Pambansa ay ilalarga sa Abril 28 hanggang Mayo 4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines