Balita

Pistons, nadiskaril sa Jazz

-

SALT LAKE CITY (AP) – Nagsalansa­n si Donovan Mitchell ng 28 puntos, habang tumipa si Rudy Gobert ng career high 25 rebound para sandigan ang Utah Jazz kontra Detroit Pistons, 100-94, nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nag-ambag si Kyle Korver ng 19 puntos, tampok ang limang three-pointer, para sa ikaanim na panalo sa huling pitong laro ng Jazz. Tumapos si Gobert na may 18 puntos at dalawang blocks.

Nanguna si Blake Griffin na may 19 puntos at kumana si Andre Drummond ng 15 puntos at 13 rebounds para sa Detroit, nagtamo ng ikalimang kabiguan sa huling anim na laro.

HORNETS 108, SPURS 93

Sa San Antonio, nagbalik si Tony Parker sa Alamodome at lumisan na may ngiti sa labi nang gapiin niya at ng Charlotte Hornets ang dating koponan na Spurs.

Hataw si Kemba Walker sa natipang 33 puntos, habang tumipa si Parker ng walong puntos, apat na assists at tatlong rebounds para tuldukan ang seven-game home winning streak ng Spurs. Ito ang unang laro ni Parker laban sa dating koponan mula nang bitiwan ng Spurs sa offseason.

Nag-ambag si Jeremy Lamb ng 19 puntos at kumikig si Marvin Williams ng 11 puntos para sa Charlotte.

Nanguna si LaMarcus Aldridge sa Spurs na may 28 puntos at 10 rebounds, ngunit bigo silang makontrol ang tempo ng laro, laban sa grupo ni Parker.

Pinagkaloo­ban ng tribute ng Spurs si Parker, tampok ang ipinalabas na two-minute video na nagpapakit­a sa mga highlight ng kanyang career, kabilang ang 2001 rookie draft day kung saan kinuha si Parker ng Spurs bilang 28th pick.

Sa iba pang laro, ginapi ng Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may season-high 57 puntos, ang Memphis Grizzlies; dinaig naman ni D’Angelo Russell na may 34 puntos at ng Brooklyn Nets ang palahaw ng crowd; at ginapi ng Sacramento Kings ang Portland Trail Blazers, 115-107.

 ?? AP ?? SINUNDAN na lamang ng tingin ni Blake Griffin ng Detroit Pistons ang umiskor sa dunk na si Ruby Gobert ng Utah Jazz sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.
AP SINUNDAN na lamang ng tingin ni Blake Griffin ng Detroit Pistons ang umiskor sa dunk na si Ruby Gobert ng Utah Jazz sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines