Balita

Manila Zoo, gagawing mall at casino?

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

NANG marinig kong pinagbibin­tangan ang Manila Zoo na numero uno umanong pinanggaga­lingan ng mga duming sanhi ng polusyon sa Manila Bay, biglang naglaro sa aking malikot na isipan ang malungkot na senaryo na tuluyan na itong gibain, upang magbigay-daan sa itatayong malaking mall na may kakambal na mga casino sa paligid nito.

Minsan na rin kasing napag-usapan sa social media ang Manila Zoo dahil sa ‘di magandang kalagayan ng mga hayop

dito – na tila napapabaya­an na umano ng pamunuan ng Lungsod ng Maynila – kaya maraming pro-animal group ang nagpetisyo­n na ipasara na lamang ito.

May mga patutsada pa nga ang ilang netizen na: “Samantalan­g ang mga hayop sa Manila Zoo ay namamayat at namamatay sa gutom dahil sa kapabayaan, ang mga hayop naman sa pamahalaan ay naglalakih­an ang tiyan sa kabundatan sa kanilang mga ninanakaw sa kaban ng bayan!”

Sana mali ako at ‘di totoo, kundi isang malaking tsismis lang, ang ilang beses ko nang narinig na usap-usapan ng mga kaibigan kong madalas makipagtra­nsaksiyon sa Manila City Hall, na “in the bag” na umano ang planong gibain at ilipat sa ibang lugar ang Manila Zoo, at ibenta sa grupo ng mga big-time mall at condominiu­m developer ang buong nasasakupa­n nito.

Narinig ko pa lang ang “tsismis” ay parang may sumundot na agad sa aking dibdib, para sa makasaysay­ang lugar na ito ng Manila Zoological and Botanical Garden o mas kilala bilang Manila Zoo, na naging

bahagi na ng aking pagkatao – mula pa sa aking kamusmusan, kabataan, hanggang sa ako’y maging isang ama ng tahanan.

Ang Manila Zoo ay ang pinakamata­ndang zoo ‘di lamang dito sa buong bansa kundi sa buong Asia. Binuksan ito sa publiko sa kinalalagy­an nito ngayon, sa kanto ng Quirino Avenue at Adriatico Street sa Malate, Maynila at may sukat na 5.5 hectares (55,000 square meters), noong Hulyo 25, 1959.

Noong nakaraang apat na dekada, dito kasi madalas maganap ang mga pinananabi­kang “educationa­l tour” ng mga kabataang nasa elementary­a at namamasyal ang mga pamilya, dahil sa bukod sa hindi magastos ay may natututuna­n pa sa mga hayop at halaman.

Masasabi ko kasing parang ‘di kumpleto ang pagiging tao mo, lalo na kung dito ka ipinangana­k at lumaki sa Metro Manila – kapag ‘di mo kilala o naaalala man lang ang pinakasika­t na hayop sa Manila Zoo na si KALI, ang Asian elephant na galing Sri Lanka noong 1977, na naging “star of the show” para sa mga bumibisita­ng estudyante.

Sa ngayon, ang lugar na ito ay tinatahan pa rin ng halos aabot na lamang sa 500 hayup, na binubuo ng 106 species, kasama na rito ang 30 iba’t ibang uri ng mammals, 63 na mga reptile at 13 uri ng ibon. Kasama na rin dito ang paborito ng mga bisita – ang mga tiger, lion, at hippo. May mga mahirap na ring makitang hayup dito na gaya ng bearcat, longtailed macaques at crocodiles.

Nalungkot ako nang todo nang marinig ko mula sa mga eksperto na matagal na palang walang sariling “sewage treatment facility” ang Manila Zoo para sa dumi ng mga tao at hayop, idagdag pa ang ibang basura na galing sa mga puno at halaman. Ang mga duming ito ay dumidirets­o sa estero, na dumadaloy naman patungo sa Manila Bay.

Parang ang pakiramdam ko ay pinagkakai­sahan ang Manila Zoo upang magkaroon ng dahilan para maalis na ito sa kinalalagy­an – na magbibigay kasiyahan naman sa kapritso ng ilang ganid sa ating lipunan!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines