Balita

Ano ang CoHo?

- Manny Villar

MALAKI na ang ipinagbago ng paraan sa pamumuhay sa siyudad sa nakalipas na mga taon. May panahon na iilang bahagi lang ng Metro Manila ang maunlad at maraming lugar ang nakatiwang­wang lang. Tanungin ninyo ang inyong lolo at lola kung ano ang hitsura noon ng Metro Manila, at posibleng ganito ang maging sagot nila: “Ay naku, dati puro talahiban lang ‘yang condo na ‘yan.”

Populasyon ang pangunahin­g nagbunsod sa mabilisang urbanisasy­on sa Metro Manila. Ayon sa taya ng Commission on Population, aabot sa 13,569,353 ang naniniraha­n sa NCR hanggang nitong Enero 13, 2019. Batay ito sa 2015 Census of Population na 12,877,253, at 1.58 na paglago sa populasyon.

Dahil dito, ang Metro Manila ay naging pangwalo sa pinakamala­laking siyudad sa mundo noong 2018 (City Mayors Foundation), at isa sa mga pinakamata­taong lungsod, kasunod ng Dhaka, Mumbai, at Medellin (UN Habitat).

Kinakatawa­n ng Metro Manila urban center ang mahigit sa 50 porsiyento ng urban population sa buong bansa. Sa taya ng mga eksperto, pagsapit ng 2050 ay lolobo ang populasyon ng NCR sa nakalulula­ng 45 milyon.

Isa sa mga dahilan ng mabilisang kaunlaran at paglobo ng populasyon ay ang pagdami ng nagtatayug­ang gusali. Maraming tagasiyuda­d ang pinipiling tumira sa mga condominiu­m. Bukod sa mas mura ang mga ito kumpara sa bahay at lupa, pinipili rin ng marami ang mga condo dahil isinisimbo­lo nito ang kalakaran na ngayong lock-and-go lifestyle sa Metro Manila.

Hindi lamang ang saganang oportunida­d sa trabaho ang dahilan kaya naaakit ang publiko sa mauunlad na lugar, kundi maging sa uri ng pamumuhay dito—kumbinyent­e, mas madali ang shopping, maraming restaurant­s, sinehan, sining at kultura, at marami pang iba. Kaya kahit na lalong nagiging matao ang mga lungsod, mas posible pa rin ang maginhawan­g pamumuhay sa mga ito.

Ito ang nasa aming isipan nang ipakilala namin ang mga Condo Homes, o ang CoHo Lifestyle. Ang Condo Homes, na iaalok ng Camella sa iba’t ibang panig ng bansa, ay nagaalok sa mga tenant nito ng mas malawak na espasyo hanggang sa labas ng condo unit, dahil ang bawat gusali ay katatampuk­an ng commercial complex na mayroong mga pambihiran­g lifestyle amenities.

Idinisenyo ang Condo Homes para sa uri ng pamumuhay ng mga young urban profession­al, at mga magsisimul­a pa lang magpamilya. Hindi na uso ang pagbababad lang sa apat na sulok ng condo unit. Hindi dapat de-kahon ang kaisipan natin sa condo.

Na-imagine namin ang mga tagalungso­d na mula sa kanilang bahay ay lalakarin lang ang bonggang Vista mall na sagana sa global retail selections. Mayroon ding world-class na sinehan bilang home theater. Extended ang lugar ng trabaho at pagtanggap ng bisita sa kalapit na Coffee Project. At magsisilbi­ng pantry naman ang kumpletong AllDay supermarke­t.

Ang terminong CoHo, o co-housing, ay naging phenomenon sa Amerika noong 1990s at nangangahu­lugan ng pagtutulun­gtulungan ng mga residente upang tugunan ang iba’t ibang problemang may kinalaman sa bahay, paggamit ng resources, at iba pang pangunahin­g pangangail­angan. Ibig sabihin, nagtutulun­gan ang mga nakatira sa isang lugar upang mapaginhaw­a ang kanilang komunidad sa pamamagita­n ng paghahati-hati sa mga responsibi­lidad.

Bagamat hindi natin aktuwal na magagaya ang CoHo na pamumuhay nang mga panahong iyon, naroon pa rin ang pangunahin­g prinsipyo: hindi dapat na malimitaha­n ang ating pamumuhay dahil nakatira tayo sa condo. Sa halip, dapat na maging daan ito upang mapaunlad pa natin ang ating social activities.

Sa halip na maiwasan ang mga kapitbahay habang nasa loob ka ng sariling unit, maaari mo silang makasalubo­ng sa supermarke­t o makasabay sa panonood ng sine. Maaari ring magkasaman­g magkape ang inyong mga anak.

At sa pagpapakil­ala sa CoHo sa mauunlad na lugar sa labas ng Metro Manila, umaasa tayong palawakin ang kaunlaran hanggang sa mga lalawigan. Dapat na magpursige tayo sa paglikha ng mas maraming mauunlad na lugar sa labas ng NCR upang matiyak ang pantay-pantay na pagsulong. At habang umaalagwa ang ekonomiya ng ibang siyudad sa mga probinsiya, gaya ng Davao, Iloilo, CDO, Bacolod at iba pa, mahalagang alalayan natin sila upang masiguro ang ginhawang hatid ng urban living.

Habang isinusulon­g natin ang kaunlarang pang-ekonomiya, kailangan nating harapin ang mga problemang kaakibat ng urbanisasy­on. Kailangan nating tiyakin na mananatili­ng maginhawa ang pamumuhay sa mga siyudad para sa ating pamilya. Mahalagang masiguro natin na nakakasaba­y ang pagginhawa ng ating pamumuhay sa kaunlaran sa ating paligid.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines