Balita

Ika-25 labas

- R.V. VILLANUEVA

“SA asawa ko?” pagtitiyak ni Leo sa sinabi ni Tony.

“Oo,” tango nito.

“Dahil ba sa pangangana­k n’ya ng ahas?”

Tumango uli ito.

“Galing na ako ke Lolo Onyong,” pakli niya. “Totoong naengkanto nga raw si Minda, kaya nanganak ng ahas. Kagagawan daw ng engkanto ‘yon bilang ganti sa pinatay n’yang ahas. Hindi naman kasi alam ni Minda na alaga pala ‘yon ng engkanto.”

Iiling-iling ang kanyang kumpare. “Talagang naniniwala kang nanganak nga ng ahas ang asawa mo?”

“Oo naman,” walang alinlangan­g sagot niya. “Nariyan ang ebidens’ya at saksi. At sino ako para husgahan ang kakayahan ng isang magaling na albularyo. At hindi naman magagawa ng asawa ko na mag-imbento ng k’wento.”

“Naniniwala kang naengkanto nga si Minda kaya nabuntis at nanganak ng ahas?” giit nito, halata sa boses ang pagkainis.

“Ano ka ba, si Lolo Onyong na ang nagpatunay. Albularyo ‘yon. At talaga namang nangyayari ‘yon na may mga naeengkant­o. Kahit ako nga, naranasan ko. At hindi lang naman nangyari ‘yon ke Minda, marami na. Alam mo naman siguro ang nangyari ke Adelfa no’n, di ba?”

“Sa tingin mo ba, mabubuhay ang ahas sa loob ng sinapupuna­n ng tao?”

“Naengkanto nga, e. Alam mo naman ang kapangyari­han ng mga engkanto, nagagawa nilang posible ang mga imposible.”

“Nakausap mo na ba ang doktor na nag-ultrasound ke Minda?”

“Hindi,” iling niya. “Balak ko nga rin sana, kaso wala naman daw akong makukuha sa doktor na ‘yon, sabi ni Misis. Alam mo naman ang mga doktor, hindi naniniwala ang mga ‘yon sa engka-engkanto. Magkakasal­ungat lang sila ng albularyo.”

“Payong kumpare lang, bakit hindi mo subuking kausapin ang doktor, alamin mo ang tunay na nangyari. Makiramdam ka.”

“’Yon na nga ang nangyari, naengkanto si Minda,” giit niya, tinitimpi ang inis.

“Pare, pagdating sa usapang buntis o pangangana­k, doktor ang higit na nakakaalam n’yan at hindi albularyo.”

“Pero albularyo lang din ang nakakaalam sa mga kababalagh­ang nangyayari at hindi doktor,” katwiran niya.

“Kinausap mo ang albularyo, pero bakit hindi mo kausapin din ang doktor. Timbangin mo kung sino talaga ang nagsasalit­a nang tama.”

“Pero sa ganitong sitwasyon kasi, mas pinaniniwa­laan ko ang albularyo.”

“Ewan ko sa ‘yo, Leo,” iiling-iling na pakli nito. “Bilib din naman ako sa paniniwala mo. Pero ang sa akin lang sana, kausapin mo lang, baka mabago ang paniniwala mo sakaling marinig mo ang paliwanag ng doktor.”

“Bahala na,” pakli niya. “Pero salamat na rin.”

Tinapunan pa niya ng tingin si Tony bago lumakad. Pilit niyang inaarok ang ibig tumbukin nito. Hindi niya ipinangako kay Tony na kakausapin niya ang doktor, pero habang pauwi siya, sumisingit iyon sa kanyang isip. Ano’t bakit ganoon na lamang ang paggigiit nitong kausapin niya ang doktor? Bakit ba hindi makumbinsi ito na naengkanto nga si Minda. Siguro, isa na rin si Tony na binago ng pagiral ng mga makabagong teknolohiy­a. Nagbago na rin marahil ang pananaw at paniniwala nito. Ang nagagawa nga naman ng teknolohiy­a, naisaloob niya.

Pagdating niya sa bahay, sa halip na pumasok, pinuntahan niya ang matandang puno ng sampalok sa kanilang likod-bahay. Napansin niya kaagad ang buhaghag na lupa sa tabi ng puno, na tila isang hukay na katatabon lang.

Naisip niya, ano’t hukayin niya para makita sa aktuwal ang ahas.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines