Balita

Apat na bida, makikipag-unahan sa Kings sa liderato

Mga Laro ngayon (Araneta Coliseum 4:30 n.h. -- Blackwater vs Northport 7:00 n.g. -- Phoenix Pulse vs Meralco

- Marivic Awitan

MAAGANG dominasyon ang tatangkain ng apat na koponan na magkakasag­upa ngayon sa pagbabalik aksiyon ng 2019 PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Mag-uunahang makapagtal­a ng una nilang panalo sa kanilang pagtutuos sa pambungad na laro ganap na 4:30 ng hapon ang Blackwater at Northport gayundin ang Phoenix Pulse at ang Meralco na maghaharap naman sa huling laban ganap na 7:00 ng gabi.

Nawalan ng isang maaasahang slotman, matapos ma-trade noong pre-season ang dati nilang sentrong si JP Erram sa NLEX, masusubika­n ngayon kung madaling makakapag-adjust ang Elite na nadagdagan naman ang firepower sa kanilang backcourt sa pagdating ni dating University of the Philippine­s standout Paul Desiderio.

Para sa panig ng katunggali nilang Batang Pier, inaasahan namang magpapakit­ang-gilas ang dating King Lion ng San Beda College at dating Collegiate Player of the Year na si Robert Bolick.

Samantala, excited namang maipakita ang mga naging pagbabago sa koponan partikular ang kanilang magiging performanc­e kasama ang mga nadagdag nilang miyembro ang Fuel Masters.

Sa pagdating ng mga beteranong sina Alex Mallari at Dave Marcelo, umaasa si coach Louie Alas na magdi-deliver ang dalawa at makakatulo­ng ng malaki upang pamunuan ang Fuel Masters kasama nina Matthew Wright at Season 43 Rookie of the Year Jason Perkins.

Sa kampo naman ng kalaban nilang Bolts, bukod sa kanilang reliable veterans na sina Baser Amer, Cliff Hodge, Reynel Hignatan at Chris Newsome, aabangan din ang maiaambag ng mga rookies na sina Trevis Jackson at Bong Quinto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines