Balita

Rihanna, kinasuhan ang ama

SA PAGGAMIT NG FENTY TRADEMARK

- Reuters

KINASUHAN ni Rihanna ang kanyang sariling ama dahil sa umano’y paggamit ng trademark ng Fenty brand name niya at sinabi niyang ang business venture na inilunsad nito noong 2017 ay may kinalaman sa kanya.

Nagsampa ng kaso ang Diamonds singer, tunay na pangalan ay Robyn Rihanna Fenty, sa U.S. federal court sa Los Angeles nitong Martes, kung saan inakusahan niya si Ronald Fenty at dalawang negosyo nito ng fraud at false advertisin­g ng Fenty Entertainm­ent talent at production company.

Hiniling ni Rihanna, na ginagamit ang Fenty trademark para magbenta ng cosmetics, lingerie at sneakers, sa korte na patigilin ang kanyang ama na gamitin ang pangalang Fenty, at hindi isiniwalat na halaga para sa mga pinsala.

Nakasaad na dokumento na Rihanna “(had) absolutely no affiliatio­n” sa Fenty Entertainm­ent ngunit ginagamit ng kumpanya ang pangalan para iugnay sa kanya.

Isang halimbawa ay ang pagtanggap ng Fenty Entertainm­ent ng offer noong 2017, para magtanghal si Rihanna ng 15 shows sa Latin America sa halagang $15 million, nakasaad sa dokumento. Dagdag pa rito, ginamit din umano ng Fenty Entertainm­ent ang singer at sinabing may kaugnayan si Rihanna sa mga proyekto ng boutique hotels na itinatayo o pinamamaha­laan nito.

Nakalahad din sa dokumento na kahit ilang beses nang sinabihan ng kampo ni Rihanna ang kumpanya ng kanyang ama na wala itong karapatan para gamitin ang pangalan ni Rihanna sa mga transaksyo­n nito, ay patuloy pa rin itong ginagawa ni Ronald at kanyang mga kasosyo sa negosyo.

 ??  ?? Rihanna
Rihanna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines