Balita

Daniel, nag-propose na kay Kath?

- Ni REGINA MAE PARUNGAO

AWTOMATIKO­NG nag-“panic” mode ang KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa post nitong Huwebes ng ina ng aktres na si Min Bernardo, na nagsabing “may nagpropose­d”.

“May nag-proposed,” saad sa post ni Min sa Instagram.

Nasa Japan ngayon sina Kathryn at Daniel para sa kanilang Japan National Tourism Organizati­on (JNTO) familiariz­ation trip.

Bagamat walang tinag ang ina ni Kathryn sa nasabing post, umaasa ang mga kinikilig na KathNiel fans na may kinalaman sa magkasinta­han ang nasabing pahayag.

“Tita, magkaka-mini heart attack po ako sa ganyan mo po eh…” komento ng isang follower.

“Tita Min! Nakakagula­ntang. Enlighten us please…” sabi ng isa pa.

“Totoo nga!!! Grabe Tita Min!!! Ang sayaaa sayaaaa!!” comment pa ng isang netizen.

Agosto noong nakaraang taon lang nang sa wakas ay kumpirmahi­n nina Kathryn at Daniel na mayroon silang romantic relationsh­ip sa nakalipas na “more than 5 years.”

Sa mga panayam sa kanila habang ipino-promote ang pelikula nilang The Hows Of Us, inamin ng magkasinta­han na hindi naging madali ang kanilang relasyon, at nag-aaway din sila gaya ng ibang magkarelas­yon.

“There were times when you’re okay and times when you’re not okay. How did we save our relationsh­ip? For me, it is a choice if you will fight for it,” sabi noon ni Kathryn.

“For us, we made a choice. I think I made the right choice. The most important thing is that we learn something every day and we grow together.”

Ngunit nang tanungin kung handa na ba siyang magpakasal kay Daniel, sumagot si Kathryn: “Not so soon. It’s too early now.”

Gayunman, inamin ng dalawa na napag-uusapan na nila ang kasal.

“You don’t just jump into it. It would be unfair for you and your partner if you’re not ready to give it (marriage) your all,” ani Kathryn.

 ??  ??
 ??  ?? Kathryn at Daniel
Kathryn at Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines