Balita

‘Bird Box’ pinanood ng 80 milyon

-

LOS ANGELES (Reuters) – Ibinahagi ng Netflix Inc. nitong Huwebes na mahigit 80 milyon na ang nakapanood sa thriller movie na Bird Box sa unang apat na linggo ng pagpapalab­as nito. Wala namang ibinigay na viewing data para sa Oscar hopeful na Roma. Pinagbidah­an ni Sandra

Bullock ang Bird Box na naka-set sa isang postapocal­yptic society kung saan kinakailan­gang magsuot ng mga survivor ng blindfolds, at inilabas ng Netflix nitong Disyembre 21. Naging viral ito nang i-post ng mga tagahanga ng pelikula ang kanilang sariling blindfolde­d “Bird Box Challenges” sa social media.

Hindi madalas ang paglalabas ng Netflix ng viewing data para sa mga naging pelikula at serye nito, tulad ng ginagawa ng mga tradisyuna­l na networks at film studios. Ngunit ibinigay nito ang datos sa fourthquar­ter earnings report nitong Huwebes, na mas mababa nang bahagya kumpara sa inaasahan ng kumpanya.

Sinabi ng Netflix sa isang pahayag na ang mga pelikulang tulad ng Roma, mula sa Mexican director

Alfonso Cuaron, “we are beginning to have our original movie offering mirror the success of our series.”

Gayunman, hindi nagbahagi ng datos ang Netflix para sa

Roma, na nagwagi ng dalawang Golden Globes ngayong buwan at inaasahang magiging nominado sa Oscar sa Pebrero.

Sa pagbabahag­i pa ng streaming giant, kabilang sa mga paboritong panoorin ng subscriber­s ang bagong romantic television thriller series na You at ang bago ring British young adult comedy series na Sex Education, na kapwa inaasahang mapapanood ng mahigit 40 milyon sa unang buwan.

Samantala, wala ring datos na ibinigay sa iba pang high-profile content, kabilang ang pelikulang Black Mirror: Bandersnat­ch at ang comedy na Dumplin’ ni Jennifer Aniston.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines