Balita

‘Amang’ nagbabanta sa Samar, Leyte

- Ellalyn De VeraRuiz, Niño N. Luces, Jun Fabon at Beth Camia

Nagbabanta ang bagyong ‘Amang’ sa Leyte at Samar matapos na maglandfal­l sa Siargao Island, Surigao del Norte, nitong Linggo ng gabi.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), napanatili ng bagyo ang lakas nito ngunit lumihis ito at tinutumbok ang nasabing dalawang lalawigan.

Huling namataan ang bagyo sa layong kilometers (km) hilaga-hilagang silangan ng Borongan City sa Eastern Samar

Napanatili pa rin nito ang taglay na lakas ng hangin na 45 kilometers per hour (kph) at bugsong 60 kph.

Sinabi ng PAGASA, kumikilos ang bagyo pa-Kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Walong lugar na lamang sa Bicol Region at Eastern Visayas ang nananatili­ng nasa Signal No. 1.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Sorsogon at Masbate, kabilang na ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at Leyte.

Pinalikas naman ang tinatayaan­g aabot sa 2,000 pamilya sa Albay bunsod ng banta ng bagyo.

Sinabi ni Dr. Cedric Daep, hepe ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), nasa 2,191 pamilya ang dinala nila sa 44 na evacuation area upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa banta ng landslide at flashflood.

"Those who were evacuated due to landslide are from Tiwi, Albay, while there are also families evacuated due to lahar, especially in Guinobatan town," ayon pa kay Daep.

Kaugnay nito, binalaan ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) ang mga residente sa palibot ng Bulusan Volcano sa Sorsogon dahil sa posibleng lahar flows at landslide dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng bagyo.

“Prolonged and heavy rainfall may cause excessive erosion of existing pyroclasti­c deposits in the upper slopes of Bulusan Volcano, which can trigger lahars in rivers draining the southeaste­rn, southweste­rn and northweste­rn flanks,” ayon sa Phivolcs.

Binanggit ng Phivolcs, kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuha­n ng pagragasa ng lahar ang komunidad sa Malunoy sa Patag, Mapaso, Cadacan, Tinampo at Cogon Rivers sa Irosin at sa Añog-Rangas River sa Juban,” it added.

Naglaan na ng P2.4 bilyon ang Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) upang maayudahan ang naapektuha­n ng bagyo.

Lalo namang lumobo ang bilang ng na-stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa bagyo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Inihayag ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, na sa Central Visayas pa lamang ay pumapalo na sa 280 pasahero habang 354 na pasahero naman ang naghihinta­y pa ring makaalis sa Northern Mindanao.

Sa Eastern Visayas naman, aabot sa 2,083 na pasahero ang stranded at sa Southern Visayas ay umaabot sa 85 ang stranded.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines