Balita

Entrapment, kinuwestiy­on ng sinibak na hepe

- Jun Fabon

Iginiit ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito T Esquivel Jr., na lehitimo ang entrapment operation ng kanyang mga tauhan laban sa mga operatiba ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Galas Police Station 11, ni Chief Insp. Erwin Guevarra, at bahagi ito ng internal cleansing program ng pulisya.

Ito ay matapos na maghain ng counter charge sa Office of the Ombudsman ang nasibak na si Guevarra laban sa mga operatiba ng QCPD na nagsagawa ng entrapment operation laban sa kanya at sa 16 niyang tauhan.

“First time ito na nangyari sa buong Philippine National Police, kung saan nagsampa ng complaint ang mga police scalawag laban sa pulis na maayos na gumagawa ng kanilang tungkulin,” sabi ni Esquivel.

Tiniyak naman ni Esquivel sa kanyang mga tauhan na nagsagawa ng operasyon na tutulungan niya ang mga ito at pagkakaloo­ban ng legal assistance.

Nag-ugat ang kaso laban kay Guevarra at sa 16 niyang tauhan sa umano’y pangongton­g sa mga drug suspects na naaresto sa siyudad noong Mayo 3, 2018.

Napag-alaman na dumulog umano kay Guevarra ang isa sa arestadong drug suspects na si Lorenzo Miguel Soriano, at inireklamo ang Galas Police na binakalan umano ang grupo ng huli ng P200,000 kapalit ng pagpapalay­a sa kanila.

Matatandaa­ng ang tiyuhin ni Lorenzo na si Flexis Jeffrrey Soriano, 40, negosyante; at driver na si Efren Ferrer, 45, kapwa taga-San Carlos City, Pangasinan, ay naaresto sa droga at illegal possession of firearm sa buybust operation ng nasabing presinto sa panulukan ng E. Rodriguez at Tomas Morato sa Barangay Kristong Hari.

Dinala ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at hiningan umano ng P200,000 kapalit ng kanilang kalayaan, at dinala naman umano ni Lorenzo ang nasabing halaga sa SDEU.

Hindi pa umano nakuntento ang mga pulis at nagpadagda­g pa ng P100,000, kaya nagsuplong na si Lorenzo sa QCPD, kaya ikinasa ang entrapment.

Pinatawan ni Esquivel ang grupo ni Guevarra ng administra­tive summary dismissal proceeding sa Regional Investigat­ion and Detection Management Division (DIDMD).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines