Balita

BFNGNASAWI SASINULOG, TINUTUGIS

- Ni CALVIN D. CORDOVA

CEBU CITY – Ipinaaares­to na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang kasintahan ng isang 19-anyos na dalagang nasawi sa party drug overdose nang dumalo ito sa Sinulog Festival sa Cebu City, nitong nakaraang buwan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Police Regional Office (PRO7)- Central Visayas director, Chief Supt. Debold Sinas.

Inamin nito na tinawagan siya ng pangulo upang ipadampot si Nel Spencer Tiu.

Si Tiu aniya ang kasama ni Ashley Abad, at limang iba pa na dumalo sa isang concert sa Cebu Business Park, nitong Enero 20 ng gabi.

Binawian ng buhay sa ospital si Abad dahil sa ecstasy overdose, ayon sa paunang ulat ng mga awtoridad.

Nitong Pebrero 7, nakipagpul­ong at humingi aniya ng tulong ang pamilya ni Abad kay Duterte kaugnay ng insidente.

Paliwanag ni Sinas, hindi pa lumalantad sa publiko si Tiu mula nang hilingin nila na magbigay ito ng paliwanag sa pagkamatay ni Abad.

Aniya, hihilingin nila kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na gamitin ang subpoena power nito upang ipatawag si Tiu.

Idinagdag pa nito na kapag hindi pa rin sinisipot ni Tiu ang kanilang imbitasyon ay aarestuhin na nila ito.

Pinag-aaralan pa rin ni Sinas ang pagsasampa ng kasong homicide laban kay Tiu at sa iba pa nitong kasamahan nang maganap ang insidente.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) na gagawa sila ng hiwalay na hakbang sa kaso upang mapanagot ang grupo ni Tiu.

“The PNP may have obtained an advance informatio­n regarding the result of the autopsy. But we have not gotten one yet. Once we get a copy, we will make our own move,” ayon pa kay Leia Albiar, tagapagsal­ita ng PDEA-Region 7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines