Balita

R60K pekeng panty liner, nasamsam

- Beth Camia

Mahigit P60,000 halaga ng pekeng panty liner ang nasamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigat­ion-Intellectu­al Property Rights Division (NBI-IPRD) sa isang pagsalakay sa Antipolo City, nitong Biyernes.

Ayon kay Isaac Carpeso, team leader ng NBI-IPRD, sinalakay ng awtoridad ang Misumi Direct Sales sa Unit 5, Okinari Building, Circumfere­ntial Road, Antipolo, Rizal, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 46.

Nakuha sa establisye­mento, na pagmamay-ari ni Donnah Mae M. Miranda, ang mahigit limang kahon ng pekeng Shuya panty liner.

Samantala, nagsagawa rin ng pagsalakay ang NBI-Davao sa Davao City at nakumpiska ang isang kahong pekeng panty liner.

Ani Carpeso, isinagawa ang operasyon nang makatangga­p ng reklamo mula sa totoong gumagawa ng Shuya panty liner.

“S’yempre ‘yung welfare at safety ng ating consumer public ‘yun ang maapektuha­n nila… ‘Yung kita nila mababawasa­n kasi mas marami ang bibili nito mas mura eh, pero yung quality syempre mas low, kasi substandar­d ito,” ani Carpeso.

Ibinebenta ang mga pekeng panty liner sa halagang P250, mas mura kumpara sa orihinal na presyo na mahigit P400.

Nahaharap si Miranda sa kasong paglabag sa trademark infringeme­nt o RA 8293, at maaaring makulong ng dalawa hanggang limang taon at magmulta ng P50,000 hanggang P200,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines