Balita

Voting centers sa IPs, dinagdagan

- Leslie Ann G. Aquino

Mas maraming Accessible Voting Centers (AVC) at Special Polling Places (SPP) ang inilaan ng Commission on Elections sa mga Indigenous Peoples (IPs) para sa Mayo 13 midterm election.

Dulot ito ng pagkakalik­ha ng sampung bagong AVCs sa South Cotabato at isang SPP sa Aurora.

“In recognitio­n of the distinct issues that affect the voting exercise of Indigenous Peoples (IP) voters, the Commission finally institutio­nalized the creation of Separate Polling Places (SPP) and Accessible Voting Centers (AVC) as Indigenous Peoples (IP) Establishe­d Precincts through COMELEC Minute Resolution No. 10424,” pagbabahag­i ng Comelec, sa Facebook post.

Base sa datos ng Comelec, may kabuuang 66 na AVCs at SPPs ang nakalaan para sa IP ngayong darating na halalan.

Kahalati o 33 AVCs ang nasa Region III (Bulacan), 5; Region IV-B, 7; Occidental Mindoro, 18; Oriental Mindoro, 8; Palawan, 3; at Region XII (South Cotabato), 10.

Habang ang 33 SPP naman ay nasa Region III (Aurora), 1; at 32 sa Region IV-B (11 sa Occidental Mindoro at 21 sa Oriental Mindoro).

Ang SPP ay presinto na nakalagak sa mga voting centers at inilaan para sa mga botanteng IPs. Habang ang AVC ay mga bagong tayong voting centers malapit sa mga komunidad ng IPs.

Sa record ng Comelec, may mahigit 100,000 IPs na rehistrado­ng botante sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines