Balita

Diokno, kakasuhan ng Kamara

- Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

Hindi na oobligahin ng Kamara ang presensiya ng kontrobers­iyal na si Budget Secretary Benjamin Diokno sa imbestigas­yon nito sa mga iregularid­ad sa budget, dahil binabalak nitong magsampa ng kasong kriminal laban kay Diokno at sa iba pa kaugnay sa diumano’y pagpabor sa Aremar Constructi­on, na pag-aari ng pamilya ng kanyang manugang.

Ibinunyag ni Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., chairman ng House Committee on Appropriat­ions, na ipauubaya na ng House Committee on Rules, dati niyang pinamumunu­an, ang imbestigas­yon sa House Committee on Public Accounts, na pinamumunu­an ni Quezon Rep. Danilo “Danny” Suarez.

Aniya, ang Suarez panel ang maghahain ng reklamo laban kay Diokno at sa iba pa sa prosecutor’s office o sa Office of the Ombudsman.

“Unang-una [po si Sec. Diokno for] conflict of interest ho ‘yan. Kaso po ‘yan. ‘Pag nakinabang ang anak ng isang opisyal, bawal po ‘yon,” ani Andaya sa panayam sa radyo.

“Inaayosnap­o[angmgadoku­mento]. Kinukuha na sa akin...tina-transfer ko na ‘yong mga dokumento sa kanya (Suarez). We’ll see,” aniya.

Sinasabi ni Andaya na nakuha ng Aremar Constructi­on ang bilyun-bilyong piso na halaga ng mga proyekto sa Casiguran, Sorsogon gamit ang dummy corporatio­ns.

“Sa susunod na hearing, hindi na naman sisipot [si Sec. Diokno]. Pahihintay­in niya lang na matapos ang sesyon na ito, kaya hindi na kami sa kanya interesado,” ani Andaya. said. AABOT SA SUPREME COURT

Sinabi rin kahapon ni Andaya na kukuwestiy­unin niya sa Supreme Court ang posibleng pagbalik sa P75-B insertions sa panukalang P3.757-trilyon national budget sa pamamagita­n ng veto message, dahil ito ay “clear mockery of the power of Congress to scrutinize the budget.”

Ayon kay Andaya, sasamahan niya sina Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Frank Drilon sa pagkuwesti­yon sa restoratio­n ng “P75-billion gaffe” kapag nagtagumpa­y si Diokno at si Cabinet Secretary Karlo Nograles, dating chairman ng House Committee on Appropriat­ions, sa pagbuhay sa ganitong mga pagsisingi­t sa budget.

“In case the two Cabinet members succeed in this evil scheme of vetoing the 2019 GAB to restore the P75-billion insertion, I will join Sen. Lacson and Sen. Drilon in questionin­g the veto message before the Supreme Court,” ani Andaya nitong Biyernes ng gabi.

Iginiit ni Andaya na trabaho ng Kongreso na busisiin ang National Expenditur­e Program (NEP) bilang bahagi ng kanyang budget authorizat­ion function.

“Now that Congress has fulfilled its job in correcting the P75-billion gaffe, Sec. Diokno and Sec. Nograles are back in the drawing board to restore it in the 2019 GAA via a veto message. This is clear mockery of the power of Congress to scrutinize the budget,” aniya.

Nilinaw din niya na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa P75-B insertions na inalis ng bicameral conference committee.

“The President is not part of the conspiracy between the DBM and the previous House leadership,” aniya.

Nagbabala rin siya kay Nograles laban sa pagkilos para maibalik ang insertions.

“My unsolicite­d advice to Cabinet Secretary Karlo Nograles, the new spokespers­on of DBM Sec. Ben Diokno: be careful with the crafting of the veto message for it will just lead back to where it all started. The public never forgets that you were part of the previous House leadership as chairman of the Appropriat­ions Committee,” ani Andaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines