Balita

Palasyo: Coconut levy bill mahina vs korapsiyon

- Argyll Cyrus B. Geducos

Ipinaliwan­ag ng Malacañang na ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang coconut levy dahil ito ay mahina sa korapsiyon kaya madaling abusuhin tulad ng Road Board na ayon dito ay naging gatasan ng mga tiwaling politiko.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos mapaulat na ibinasura ni Duterte ang Senate Bill 1976 at House Bill 8522, o Act to Further Strengthen the Philippine Coconut Authority, amending Presidenti­al Decree No. 1468, o mas kilala bilang “Revised Coconut Industry Code, as amended, and Appropriat­ing Funds Therefor.”

Sa kanyang pahayag nitong Sabado ng gabi, pinasalama­tan ni Panelo ang pagsisikap ng Legislativ­e na tugunan ang panawagan ni Duterte ngunit sinabing umaasa ang Palasyo na makakapagb­alangkas ang mga mambabatas ng mas mainam na batas na magtitiyak ng pantay na pamamahagi ng social benefits sa coconut planters at mga magsasaka mula sa coconut levy funds na matagal nang ipinagkait sa kanila.

“While the President recognizes and commends the efforts of both Houses for their zealousnes­s and selflessne­ss in passing the measure, it is therefore with a heavy heart that he exercises his veto power... with the thought and confidence that the lawmakers can re-craft one that will provide more safeguards to protect the taxpayers’ money and shield the levy funds from irregular and unlawful use, as well as guarantee its proper management,” aniya.

Ipinaliwan­ag ni Panelo na ang veto ay hindi lamang magpapahin­tulot sa mga mambabatas na magbalangk­as ng mas mainam na batas, ngunit ipinakikit­a ang determinas­yon ni Duterte na labanan ang katiwalian sa gobyerno.

“The veto of the bill will give Congress more time and opportunit­y to improve the formulatio­n of the PCA and the distributi­on of coco levy funds,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines