Balita

Duterte sa NPA: ‘Wag manggulo sa eleksiyon

- Genalyn Kabiling

‘Wag nang isipin ng mga komunistan­g rebelde na guluhin ang midterm elections sa Mayo kung gusto nilang matuloy pa ang peace talks sa gobyerno, ito ang idineklara ni Pangulong Rodrido Duterte kamakailan.

Hiniling ng Palasyo sa mga komunistan­g rebelde na irespeto ang demokratik­ong proseso kahit na hindi sila pabor sa ilang kandidato sa halalalan.

“Kayong mga komunistan­g nakikinig, if you really find it in your heart to be a participan­t of an exercise of the people to choose their candidate, kindly do not mess up with it,” sinabi ni Duterte sa pagbisita niya sa Albay nitong Biyernes.

Idiniin ni Duterte na hindi na dapat nakikialam ang mga rebelde sa halalan at muling nanawagan sa kanila na itigil ang pangingiki­l ng pera kapalit ng “permits.”

“Hindi na bale sabihin nila na parang aso ang ugali niyan. That is none of your business because if it is the will of the people, kanya na… That’s democracy. Wala tayong magawa,” aniya.

Sa parehong talumpati, nag-alok si Duterte na ituloy ang usapang pangkapaya­paan sa local communist group kapag itinigil ng mga miyembro nito ang kanilang pangingiki­l. Sinabi niya na hindi niya ipaaaresto ang rebel negotiator­s at sasagutin pa ang kanilang gastusin sa hotel sa panahon ng peace negotiatio­ns.

“Ang mga NPA, kayo nakikinig kayo ngayon, kung gusto talaga ninyong tumulong, stop the extortion…You will have to stop extorting money and ‘yung taxation ninyo,” aniya.

“I will guarantee na ako na mismo ang gagastos sa talks. You can come courtesy of the money of the people of the Philippine­s. Wala akong pera. You can come and be billeted in simple hotels because luxury is not for us and you can come in peace. Hindi kayo huhulihin,” idinugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines