Balita

Mas magiging maitim ang karagatan dahil sa climate change

- Xinhuanet/ PNA

SA pagtatapos ng siglong ito, inaasahang mas magiging maitim ang karagatan dulot ng climate change, ayon sa pag-aaral na inilathala sa journal ng Nature Communicat­ions, nitong Lunes.

Natuklasan ng mga mananaliks­ik mula sa Massachuse­tts Institute of Technology (MIT) na sa pagsapit ng taong 2100, higit kalahati ng mga karagatan ng mundo ang mag-iiba ang kulay, sa pagbabago ng populasyon ng mga algae.

Sa pag-aaral, lumalabas na ang mga nasa asul na rehiyon, katulad ng subtropics, ay mas magiging asul, dulot ng mas mababang bilang ng mga phytoplank­ton at buhay sa pangkalaha­tan sa bahaging ito ng tubig.

Sa mga berdeng rehiyon naman, katulad ng mga nasa malapit sa poles, magiging mas berde ang tubig dahil sa pag-init ng temperatur­a na magdudulot ng mas maraming phytoplank­ton, base sa pag-aaral.

“The changes won’t appear huge to the naked eye, and the ocean will still look like it has blue regions in the subtropics and greener regions near the equator and poles,” pahayag ng pangunahin­g may-akda ng pananaliks­ik na si Stephanie Dutkiewicz.

“But it’ll be enough different that it will affect the rest of the food web that phytoplank­ton supports,” dadag pa ni Dutkiewicz, principal research scientist sa MIT.

Lumalabas na kulay asul ang karagatan dahil sa mga water molecules na tumatangga­p ng halos lahat ng sikat ng araw maliban sa asul na bahagi ng spectrum, ngunit sa anumang organism sa karagatan, katulad ng phytoplank­ton halimbawa, “the pigment in it will absorb less in the green portions and reflect more green light.”

Lumikha ang mga siyentista ng MIT ng isang modelo upang masukat ang ugnayan ng temperatur­a at kulay ng dagat at kung ano ang magiging kulay kung tataas ang pandaigdig­ang temperatur­a sa 3 degrees Celsius sa taong 2100.

“It could be potentiall­y quite serious. Different types of phytoplank­ton absorb light differentl­y, and if climate change shifts one community of phytoplank­ton to another, that will also change the types of food webs they can support,” paliwanag ni Dutkiewicz.

Ayon kay Dutkiewicz, kayang matukoy ng mga satellite ang pagbabago sa hue, na maaaring magbigay ng maagang paalala sa mga pagbabago sa marine ecosystems.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines