Balita

Otso Diretso, may pag-asa ba?

- Bert de Guzman

HALOS wala raw panalo ang mga kandidato ng OTSO DIRETSO (OT) ng oposisyon sa 2019 midterm election sa Mayo. Gayunman, tiwala si Vice Pres. Leni Robredo na aangat ang Otso Diretso candidates kapag nagsimula na ang campaign period ngayong linggo.

Sa ngayon, tanging sina Sen. Bam Aquino at ex-DILG Sec. Mar Roxas ang kabilang sa MAGIC 12 na dominado ng reelection­ist senators at kilalang indibiduwa­l mula sa showbiz. Ang anim pang kandidato ng OT na nasa laylayan ng Magic 12 ay sina Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, election lawyer Romulo Macalintal, ex-Solicitor General Flor Hilbay, ex-Quezon Rep. Erin Tanada, Marawi civic leader Samira Gutoc, at human rights lawyer Jose “Chel” Diokno, anak ng kilalang anti-Marcos na si ex-Sen. Jose W. Diokno.

Sa paglulunsa­d ng Ahon Laylayan Coalition-National Capital Region sa Quezon City noong Miyerkules, sinabi ni beautiful Leni na kumpiyansa siyang mananaig at mananalo ang mga kandidato ng Otso Diretso, gaya ng nangyari sa kanya noong May 2016 elections, na isang porsiyento lang ang voter awareness sa kanya kumpara kina Bongbong Marcos at iba pang vice presidenti­al bets noon.

Malaki ang pag-asa ni VP Leni na tatangkili­kin ng mga tao mula sa “laylayan” ng lipunan ang kanyang mga kandidato sa halip na humingi ng tulong at suporta sa mga pulitiko. Ang Ahon Laylayan Coalition ay binubuo ng mga samahan ng kababaihan, manggagawa, kabataan, senior citizens, mangingisd­a, magsasaka, at urban poor.

oOo

Sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), bigla ang paglundag ng matapat na aide ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Magic 12, si Christophe­r “Bong” Go. Sa kanyang paglundag, nalaglag naman sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at ex-PNP Chief Bato dela Rosa. Anyare? Eh nasaan naman si ex-Sen. Juan Ponce Enrile?

oOo

Umiiral ngayon ang sisihan blues sa pagitan ng Department of Health(DoH) at ng Public Attorneys’ Office (PAO). Sinisisi ni Health Sec. Francisco Duque III si PAO Chief Persida Acosta kung bakit natakot ang mga nanay na pabakunaha­n ang mga anak sa kahit anong uri ng bakuna.

Isinumbong ni Duque si Acosta kay PRRD sa pulong ng gabinete bunsod ng biglang paglaganap o outbreak ng tigdas o measles sa maraming lugar ng bansa, partikular sa Metro Manila at Central Luzon. Dahil daw sa “katitili” ni Acosta na ang pagtuturok ng Dengvaxia vaccine ang naging sanhi ng pagkakasak­it at pagkamatay ng ilang batang mag-aaral, natakot ang mga nanay na pabakunaha­n ang kanilang anak kahit ang bakuna ay hindi anti-dengue o Dengvaxia.

Mariing itinanggi ni Acosta na siya ang sanhi ng measles outbreak sa pagkatakot ng mga ina na pabakunaha­n ang mga anak. Tungkulin daw ng DoH na pabakunaha­n ang mga bata at kung kailangan ay magbahay-bahay sila. Katwiran naman ng DoH officials, takot magpabakun­a ang mga bata kahit sa antimeasle­s, anti-polio, anti-TB, anti-flu, antidipthe­ria dahil nga sa pananakot ng PAO.

Marahil, ang pinakamaga­nda at kanaisnais na solusyon upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa bakuna, ay parehong mag-isyu ng public statement ang DoH at PAO na ang ibang mga bakuna ay ligtas at makabubuti sa kalusugan. Kung ayaw nila sa Dengvaxia, huwag silang pabakuna.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines