Balita

Farm-to-road project to farm-topocket pork barrel

- Ric Valmonte

NIRATIPIKA­HAN ng Senado at Kamara ang nitong nakaraang Biyernes ang 3.8 trilyong budget para sa 2019. Sa botong 15-5, inaprubaha­n ng Senado ang panukalang ipinasa ng senate – house conference committee. Sa mababang kapulungan naman, dumagundon­g ang sigaw ng “ayes” at nilunod ang “nays” vote. Sa plenary ng Kamara, sinabi ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, pagkatapos ng botohan, “dapat batiin ang Senado at Kamara sa pagpasa ng budget na sumailalim sa mabigat na proseso.”

Pero, ang report ng Senate at House Conference Committee ay hindi nakakuha ng buong pagkakaisa ng mga miyembro. Hindi dumalo si Sen. Ping Lacson at tumutol si Senate Minority Leader Franklin Drilon. “Tumututol ako dahil sa dalawang bagay: No. 1, dahil animo’y lumalagda ako sa blank check. Wala kaming oras para masusing siyasatin ang bicameral report. No. 2, pork barrel ay naririto pa rin, hindi lamang sa Kamara kundi maging sa Senado,“paliwanag ni Drilon.

“Mabuti at makatarung­an ang 2019 budget,” pagmamalak­i ni Senate finance committee chair Loren Legarda. Pero, sa pinuno ng House contingent sa bicameral committee na si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., nagdududa siya na ito ay matinong maibibigay sa taumbayan. “Ito ba ay talagang budget ng taumbayan? Mapapairal at maibabahag­i ba ito sa kinauukula­ng sektor? Sa ngayon nagdududa ako. Sabik kaming naghihinta­y sa veto message at kikilos kami mula rito,” sabi niya. Sinusuport­ahan niya ang panawagan ni Sen. Lacson sa Pangulo

na betuhin nito ang lahat ng item na nangangamo­y at mukhang pork.

Ayon kay Andaya, ang 2019 budget ay bunga ng kasunduan sa pagitan ng Kamara at Senado na nag-akusa sa isa’t isa na nagsingit ng pork barrel sa kanikanyan­g bersyon ng budget. Kaya, lumabas ang budget na naglalaman ng 190 bilyong pisong pagbabago na tinawag ng mga senador na “institutio­nal amendments,” samantalan­g ang Kamara ay nagmungkah­i ng 51 bilyong pisong halaga ng realignmen­t.

Kaya, sabi ni Lacson, “Ang budget sa taong ito ay punung-puno ng pork barrel na mayaman sa cholestero­l na ang bulto nito ay inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).” Iniprisint­a, aniya, ng pork barrel ang kanyang sarili na balakyot na muling nabuhay, nilalait at tinutukso tayo ng mga nakatago sa anino ng umano’y serbisyo publiko. Ang nakapanlul­umo raw ay ang alokasyon para sa farm-to-market road project ay pinalobo sa bersyon ng kamara mula sa National Expenditur­e

Program. Ibinunyag ni Lacson na ang distrito ni Speaker Aroyo ay isa sa mga may pinakamala­king alokasyon para sa farm-to-market road project. Kasi, sa orihinal na programa na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM), 35 milyong piso lang ang inilaan sa farm-to-market road project, pero ang inaprubaha­n ng Senate-House Conference Committee ay 606 milyong piso para sa distrito ni Speaker.

Sa kanilang sariling pagkilos, nagalsa noon ang taumbayan laban sa pork barrel na tinagurian ng mga mambabatas na Priority Developmen­t Accelerati­on Program. Idineklara ito ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas. Ngayon naman, sa ibang paraan pinalusot ng mga mambabatas at ng DBM Secretary ang pork barrel sa national budget –insertion. Pero hindi ito ang insertion na binanggit ng Pangulo na ginawa niya sa kanilang kasambahay. Ito iyong pinalobong alokasyon para sa farm-to-market road project na mauuwi sa farm-to-pocket ng mga mambabatas at mga pulitiko.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines