Balita

Magtipid sa paggamit ng tubig

- PNA

MABABA na sa normal na lebel ang tubig ng La Mesa Dam, kaya kinakailan­gan nang magtipid ng tubig ng mga konsyumer nito para masigurong magkakaroo­n ng sapat na supply ang lahat bago pa man magsimula ang panahon ng tag-ulan ngayong taon.

Ang water level ng dam nitong Sabado ay nasa 72.19 meters, ayon sa Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) hydrologis­t na si Richard Orendain. “That water level is too low,” sabi ni

Orendain.

Dagdag pa niya, sa panahon ngayon karaniwang nasa pagitan ng 78 metro at 79 metro ang level ng tubig sa La Mesa.

“Water conservati­on will help make reserve there available over a longer period,” sabi niya.

Kailangang mapanatili na may maisusuppl­y na tubig ang La Mesa lalo na at hindi pa tapos ang tag-init, dahil kadalasang nagsisimul­a ang panahon ng tag-ulan tuwing katapusan ng Mayo at unang linggo ng Hunyo, paliwanag ni Orendain.

Ang pagsasaayo­s ng mga butas na tubo, paggamit ulit ng gamit nang tubig, pagsasarad­o ng gripo habang nagsisipil­yo at maayos na pagdidilig ng halaman ang ilan sa mga ilang palatuntun­an para makatipid sa tubig, ayon sa mga eksperto.

Binanggit din ni Orendain na sa kasalukuya­n, ang La Mesa Dam ay mayroong 47-cubic-meter-per-second (cms) alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam, na tanging pinagkukun­an nito.

Ang naturang alokasyon ay mas mataas kaysa 44 cms na itinatalag­a ng gobyerno para sa La Mesa Dam tuwing tag-init, aniya pa.

Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam dahil sa lumalaking bilang ng populasyon.

Dagdag pa ni Orendain, magiging mas maayos ang pangangasi­wa rito kung magkakaroo­n pa ang dam ng ibang pagkukunan bukod sa Angat Dam.

Ang tubig tumatawid mula sa Angat sa Ipo Dam bago tumutuloy sa La Mesa Dam.

Ang Angat-Ipo-La Mesa water system ang nagsu-supply sa halos lahat ng lugar sa Metro Manila.

“If nothing’s done to conserve La Mesa’s reserve, water level there can dip to about 65 meters or 66 meters by April 2019’s end,” aniya.

Una rito, nagkaroon na ng forecast ang PAGASA ng below-normal rainfall ngayong buwan at sa Marso sa Metro Manila, na kinatatayu­an ng La Mesa Dam.

Iilang pag-ulan din ang magaganap sa Metro Manila sa Abril, ayon sa PAGASA, na isa sa pinakamaii­nit na buwan sa bansa.

Ang ‘summer’ ng Pilipinas ay mula Abril hanggang Mayo. At malaki ang konsumo sa tubig ng publiko sa mga nabanggit na buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines