Balita

Gen 1:1-19 ● Slm 104 ● Mc 6:53-56

- ‘365 Days with the Lord 2019’ ST PAULS, 7708 St. Paul Rd., SAV, Makati City, Philippine­s; Tel.: 632-8959701; Fax: 632-8957328; Email: publishing@stpauls.ph; Website: http://www. stpauls.ph

Pagkatawid ni Jesus at ng kanyang mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon nila isinadsad ang bangka. Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Jesus ng mga tagaroon at patakbo nilang ipinamalit­a ito sa lupaing iyon. Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan kung saan nila mabalitaan­g naroon siya. At saan man siya lumakad, sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay nila sa mga liwasan ang mga maysakit at nakikiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.

PAGSASADIW­A:

Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa higaan kung saan nila mabalitaan­g naroon

siya.—Kilalang-kilala na ng mga tao si Jesus. Balitangba­lita na ang kakayahan niyang gumawa ng mga himala partikular na ang magpagalin­g ng mga maysakit at magpalayas ng demonyo. Kung saan naroon ang Anak ng Diyos, totoo namang nagkakaroo­n ng katugunan ang mga pangangail­angan ng mga tao—ang pangangail­angan nila sa totoo, mabuti, at maganda. Sa madaling salita, ang likas nilang pangangail­angan at paghahanga­d sa kaganapan ng kanilang pag-iral sa mundo.

Matutunton ang pangangail­angang ito noong unang-una pa nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay na “mabuti”—ibig sabihin, ganap o perpekto (Unang Pagbasa). Ang mga pagpapagal­ing ni Jesus sa mga maysakit ay tanda ng pagsisimul­a ng pagliligta­s ng Diyos sa katauhan ng kanyang Anak sa pamamagita­n ng pagpapanum­balik sa orihinal na kaganapan ng lahat ng nilikhang mga bagay, higit sa lahat, ang tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines