Balita

Alden, pala-donate ng dugo PREMATURE BABY NOON

- Ni NORA V. CALDERON

MULING lumahok si Pambansang Bae Alden Richards sa #KapusoBloo­dletting20­19 nitong Biyernes ng hapon, tulad ng lagi niyang ginagawa kapag may blood letting ang Kapuso Foundation headed by Ms. Mel Tiangco, sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Red Cross.

Ipinakita ni Alden ang isang bag ng blood na may tatak na O. Doon nalaman na type O pala ang blood niya. Ayon sa YouTube, sabi ni Alden: “Universal donor po ako, I’m an O+, so puwede po sa lahat ng blood types.”

Doon din nalaman na premature baby pala siya: “Kasi I was premature when I was born so kailangan ko ng blood transfusio­n.”

Dahil sa rebelasyon ay maraming nag-comment: “Grabe, premature pala siya noong baby pa. Tapos ngayon sobrang lusog n’ya. ‘Yan pala ang numero unong rason kung bakit may soft spot siya sa blood letting,” sabi ng isang user.

Komento naman ni @queenie, “We have the same blood type and I’m also a premature baby. I hope one day I’ll have the courage to donate my blood as well like you li’l bro @aldenricha­rds02”.

Ayon naman kay @prickly, “Premature pala si A! Donating blood is such a noble act! Sana bumait din ang nasalinan ng dugo mo, paps!”

Himutok naman ni @madelaine, “Premature pero ganyan na kagwapo! Jusko, pano pa kaya kung naging full term sya? Sobrang aparisyon na talaga!”

Mukhang may natutunan naman si @mae, “Ahh, premature pala s’ya nu’ng pinanganak. Now I know akala ko lahat ng pinapangan­ak ng premature mahihina. Hindi pala lahat. I have a cousin kasi na premature nu’ng pinanganak sobrang weak n’ya sa lahat ng bagay, sobrang baba ng self esteem niya.”

Sabi naman ni @lutcat, “Premature pala si Gov, 7 months lang kaya siya nu’ng January? Kung full term dapat pala March din sana siya.”

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines