Balita

Kang Daniel, ibinotong best TV ad model idol

- Ni JONATHAN HICAP

IBONOTO ang dating center ng

K-pop boy band na Wanna One at upcoming solo artist na si Kang Daniel bilang ang best CF (commercial film) o TV ad model idol ng 2019.

Nagsagawa ang MWave ng online poll mula Jan. 22 hanggang Feb. 3 at humiling sa fans na bumoto para sa nasabing katergorya.

Si Kang Daniel ang nanguna sa poll, at tumanggap siya ng 146,987 votes o

50.2 percent ng kabuuang 292,781 bilang ng fans na bumoto. Ito ang second straight year na si Daniel ang itinanghal na No. 1 sa poll.

Pumangalaw­a sa poll ang K-pop group na BTS sa nakuha nitong 47.8 percent o 139,962 votes na sinundan ng BLACKPINK na mayroong 3,016 votes o 1 percent, at ni Hani ng EXID, na may 2,816 votes.

Si Daniel ang nanguna sa brand reputation para sa male advertisin­g models sa Korea para sa January 2019 na inilathala ng Korea Institute for Corporate Reputation.

Kang Daniel will make his solo debut in April. Ayon sa Guinness World

Records, nakapagtal­a ng bagong record ang 22 taong gulang na idol bilang ang pinakamabi­lis na personalid­ad na nakatangga­p ng one million followers sa Instagram, at tinalo niya ang record ni Pope Francis.

Una siyang nag-post sa Instagram noong Jan. 2 at nagkaroon agad ang account ng one million followers sa loob lamang ng 11 oras at 36 minuto, ayon sa Guinness. Naungusan nito ang record ni Pope Francis na nagkaroon naman ng one million followers sa loob ng 12 oras noong 2016.

 ??  ?? Daniel
Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines