Balita

Lotto, Keno operators umabot ng 11,120

-

UMABOT na sa 11,120 ang Lotto at Keno agents sa buong bansa noong 2018, ayon kay Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan.

“Mula Enero hanggang Disyembre taong 2018, ang ating Lotto and Keno agents ay umabot na ng 11,120. Sa 11,120, 8,769 ay Lotto agents at 2,351 ay operators ng Keno operators,” pahayag ni Balutan.

Sa Lotto, pinakamara­ming ahente ay nasa National Capital Region (NCR) na may 2,251, sinundan ito ng Visayas na may 1,952, Southern Tagalog at Bicol Region (STBR) na may 1,747, Mindanao na may 1,674, at Northern and Central Luzon (NCL) na may 1,145 na ahente.

Sa Keno, pinakamara­mi rin sa NCR na may 883 operators, sinundan ito ng SBTR na may 681, NCL na may 366, Visayas na may 267, at Mindanao na may 154 na operators.

Ang Keno Lotto Express ay isang masayang laro na nilalaro tuwing ika10 minuto kung saan ang manlalaro ay mamimili sa mga numero na kanyang lalaruin at kung magkano ang kanyang itataya.

Sa Keno, ang manlalaro ay may tsansang manalo hanggang P1,000,000 sa bawat P12 kada laro.

“Alam n’yo naman na ang ating kinikita ay nanggagali­ng sa dugo’t pawis ng ating mga mamamayan na pumipila araw-araw sa mga Lotto and Small Town Lottery (STL) outlets para bumili ng tiket. Kaya dapat malaman nila kung saan napupunta ang kanilang pera at kung paano ito ginagastos ng PCSO,” sabi ni Balutan.

“Kailangang malaman ng ating mga manlalaro na hindi man nila mapanaluna­n ang jackpot prize na nagkakahal­aga ng milyon, pero ‘yung P24 nila ay makatutulo­ng ng malaki sa buhay ng isang diyalisis o chemothera­py patient na siyang tinutulung­an ng PCSO sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program (IMAP),” aniya.

Sa P64 bilyon na kinita ng PCSO noong 2018, P31,902,529,360 ay nanggaling sa Lotto at digit games, P26,103,422,348.39 mula sa STL, P4,397,969,030 mula sa Keno, P1,149,124,000 mula sa Instant Sweepstake­s Ticket (PMC), at P4,867,500 mula sa Sweepstake­s.

“Ang STL ay pangalawa sa produkto ng PCSO na may pinakamala­king kinikita sa tulong ng 88 operationa­l Authorized STL agents (ASAs). Ang STL ay nagbibigay ng trabaho at disenteng buhay sa mga Pilipino at kanyang pamilya na hindi makapasa-pasa sa mga job fairs dahil sa edad, kulang sa edukasuon, o kapansanan. Isinalba natin sila sa bisyo, droga, o sa mga nais silang gamitin para sa kriminalid­ad,” saad ni Balutan.

Sa datos na galing sa Branch Operations Sector sa pangunguna ni Assistant General Manager Remeliza Gabuyo, nakapagbig­ay ang STL ng 314,596 na trabaho sa ngayon. Sa 314,596 na trabaho, 13,720 ay organic employees, 26,227 ay kabo, at 274,649 ay kubradores.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines