Balita

5 Pinoy boxer, kakasa sa WBO title bouts

- Annie Abad Gilbert Espeña

LIMANG Pilipino ang nakalistan­g No. 1 at 2 sa World Boxing Organizati­on (WBO) world rankings nitong Enero kabilang ang dalawang No. 1 contenders na mandatory challenger ng mga Pilipinong kampeong pandaigdig.

Iniutos na ng WBO na magdepensa si WBO junior bantamweig­ht champion at four division titlist Donnie Nietes kay No. 1 at mandatory contender Aston Palicte na kababayan niya sa Negros Occidental. Wala namang ibang Pinoy boxer sa dibisyon kundi si KJ Cataraja na nakalistan­g No. 15.

Sa minimumwei­ght division, ang Pinoy boxer na si Vic Saludar na nakatakdan­g magdepensa sa Japan, ay nakalistan­g No. 1 contender si Roberto Paradero na iniutos ng WBO na kasahan si No. 6 ranked Wilfred Mendez ng Purto Rico pero nakansela ang kanilang laban nitong Disyembre.

Nakalista ring No. 8 si Rene Mark Cuarto, No. 10 si Joey Canoy at No. 11 si Melvin Jerusalem bilang contenders ni Saludar.

Sa mga pangunahin­g contender, maaaring hamunin ni No. 1 contender Genesis Servania si WBO featherwei­ght champion Oscar Valdez ng Mexico ngunit nagharap na sila noong 2018 at nauwi sa kontrobers­iyal na 12-round unanimous decision victory ang laban noong pabor kay Valdez,

Puwede namang hamunin si WBO light flyweight champion Angel Acosta ng Puerto Rico ng nakalistan­g No. 1 contender si Jonathan Taconing, No. 3 na si Edward Heno, No. 11 na si undefeated Christian Araneta at No. 15 na wala ring talong si Christian Bacolod.

Puwede ring hamunin ni two-time world title challenger Mercito Gesta si WBO lightweigh­t at IBF lightweigh­t champion Vasyl Lomachenko­ng Ukraine samantalan­g tanging si No. 11 contender Joe Noynay ang maaaring humamon kay WBO super featherwei­ght titlist Masayuki Ito ng Japan

Nakaamba namang humamon anumang oras kay WBO super bantamweig­ht champion Emanuel Navarrete ng Mexico sina No. 2 conteder Albert Pagara, No. ranked 3 Juan Miguel Elorde at No. 6 na si dating WBO bantamweig­ht champion Marlon Tapales

Sa bantamweig­ht division na kampeon si Zolani Tete ng South Africa, nakalistan­g No. 10 ang walang talong si Carl Jammes Martin at nakalistan­g No. 12 ranked si interim WBA bantamweig­ht champion Reymart Gaballo.

Sa flyweight division na kampeon si Kosei Tanaka ng Japan, nakalistan­g No. 5 contender si Giemel Magramo at No. 14 si Jayson Mama.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines