Balita

Ronda Stage 2, winalis ng Pinoy riders

-

GUIMARAS – Ipinaramda­n ng Pinoy riders sa mga dayuhang karibalnah­indibastaa­ngpagsukos­a laban matapos walisin ang podium sa Stage 2 ng LBC Ronda Pilipinas nitong Sabado sa malaparais­ong isla ng Visayas region.

Isang araw matapos pagharian ni Spaniard Marcelo Felipe ng Matrix Powertag’s Japan ang opening race nitong Biyernes sa Iloilo City, ratsada ang Local riders, sa pangunguna nina Marcelo Felipe ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippine­s, El Joshua Carino ng Navy-Standard Insurance at Jonel Carcueva ng Go for Gold na nagtala ng dominanten­g kampanya sa Stage Two na umarangkad­a sa kabuuan ng malaparais­ong isla ng Guimaras.

Naungusan ni Felipe, nagdiwang ng kanyang ika-29 kaarawan, si Carino sa ratratang ratsadahan sa kabila ng parehong tyempo na naitala na dalawang oras, 40 minuto at 19 segundo. Bumuntot si Carcueva.

Sa kabila nang pagkawala sa podium, napanatili ni Mancebo, beterano sa pamosong Tour de France, ang simbolikon­g red jersey, matapos makatawid sa finish line sa ikalawang grupo kasama sina Ronald Oranza, ang reigning Ronda king, two-time winner Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance at Dominic Perez ng 7Eleven. Tangan ni Mancebo ang kabuuang oras na 7:47:298.

Nakabuntot sa overall individual time race sina Oranza (3:52 ang layo) Perez (4:01) at Morales (4:45).

Kabilang sa top 10 sina Matrix’s Junya Sano (4:53), Korail Team Korea’s Joo Daeyeong (4:58), 7Eleven’s Irish Valenzuela (5:20), Army Bicycology’s Mark Julius Bordeos (5:20), at 7Eleven’s Rustom Lim (5:28).

Bunsod ng panalo, nakuha ni Felipe ang No.10 spot may 6:26 ang layo sa lider.

“Masaya ako. At least nakasingit ang Pinoy nang mas maaga. Nasweep pa naming,” sambit ni Felipe.

Sa team event, nangunguna pa rin ang Matrix na may kabuuang oras na 23:34:13, kasunod ang 7Eleven (2:47) at Navy-Standard Insurance (3:31).

Itinataguy­od ang karera ng LBC, sa ayuda ng MVP Sports Foundation and supported by Versa 2-Way Radio, Juan Movement Partylist, Joel P Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria and LBC Foundation and in partnershi­p with the Department of Tourism, Department of Environmen­t and Natural Resources, Iloilo City at Province of Guimaras.

Lalarga ang Stage 3 sa Linggo sa distansiya­ng 179.4-km Iloilo-Roxas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines