Balita

Mga insekto, nauubos na

-

SIDNEY (AFP) — Halos kalahati ng lahat ng uri ng insekto sa buong mundo ay mabilis na nauubos at sangkatlo ang maaaring lubusang maglaho, ayon sa isang pag-aaral na nagbabala ng malalang epekto sa crop pollinatio­n at natural food chains.

“Unless we change our way of producing food, insects as a whole will go down the path of extinction in a few decades,” saad sa peer-reviewed study, na ilalathala sa Abril.

Ang pagbaba kamakailan sa bilang ng bugs na lumilipad, gumagapang, bumabaon sa lupa at naglalakad sa tubig ay bahagi ng gathering “mass extinction,” na pang-anim pa lamang sa nakalipas na kalahating bilyong taon.

“We are witnessing the largest extinction event on Earth since the late Permian and Cretaceous periods,” sinabi ng mga may-akda.

Ang Permian end-game 252 milyong taon na ang nakalipas ang umubos sa mahigit 90 porsiyento ng uri ng buhay sa mundo, habang nasaksihan sa abrupt finale ng Cretaceous 66 milyong taon na ang nakalipas ang pagkaubos ng land dinosaurs.

“We estimate the current proportion of insect species in decline -- 41 percent -- to be twice as high as that of vertebrate­s,” o mga hayop na may backbone, sinabi nina Francisco Sanchez-Bayo ng University of Sydney at Kris Wyckhuys ng University of Queensland sa Australia. “At present, a third of all insect species are threatened with extinction.”

Ang polusyon ang isa sa pangunahin­g dahilan ng pagkaubos ng mga insekto.

“Only decisive action can avert a catastroph­ic collapse of nature’s ecosystems,” babala ng mga may-akda.

Ang pagbuhay sa wilderness areas at pagbawas sa paggamit ng pesticides at chemical fertilizer ang pinakamain­am na paraan para mapigilan ang pagkaubos ng mga insekto, anila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines