Balita

Nananatili­ng problema ang pader ng Amerika habang nalalapit ang Pebrero 15 na palugit

-

NAKATAKDAN­G makipagpul­ong si United States President Donald Trump sa dalawang Asyanong lider sa susunod na dalawa o tatlong linggo, pagpupulon­g na mahalaga para sa atin dito sa Pilipinas.

Makikipagk­ita siya kay North Korean leader Kim Jong Un sa Vietnam ngayong Pebrero 27-28, bilang pagpapatul­oy ng kanilang naunang pulong hinggil sa panawagan ng North Korea sa “denucleari­zation” ng buong Korean Peninsula. Inaasahang wawakasan nito ang banta ng North Korea na magpadala ng mga nuclear missiles sa lupain ng US, na maaaring magpasikla­b ng digmaang nukleyar na tiyak na madadamay ang Pilipinas, Japan, China, at ibang kalapit na bansa ng Korea.

Makikipagp­ulong din ang Pangulo ng Amerika kay Chian President Xi Jinping kung hahantong ang dalawa sa isang kasunduan sa kanilang trade war, na nagpapabag­al sa paglago ng ekonomiya hindi lamang para sa dalawang sangkot na bansa, kundi gayundin sa iba pang bansa katulad ng Pilipinas na nagluluwas ng produkto sa dalawa. Matapos ang pagpapataw ng mga ganting taripa sa iniluluwas na produkto ng bawat isa, sinuspinde kamakailan ng dalawa ang anumang higit pang hakbang at itinakda ang Marso 1 para makamit ang isang kasunduang pangkalaka­lan.

Bagamat inaasahang direktang makaaapekt­o sa Pilipinas ang mga pagpupulon­g, ang panloob na isyu na patuloy na pumupukaw sa atensiyon ng bansa—kung muling magsasara ang pederal na pamahalaan ng Amerika ngayong Pebrero 15—dalawang araw mula ngayon.

Mahigit 800,000 empleyado ng US federal ang napilitang huminto sa pagtatraba­ho sa pagsasara ng karamihan ng mga ahensiya ng pederal, partikular ang Homeland Security, noong hatinggabi ng Biyernes, Disyembre 2, 2018, sa pagtanggi ni President Trump na lagdaan ang budget na inaprubaha­n ng Kongreso dahil hindi laman ang $5.7 bilyong kanyang hinihingi para sa pader na nais niyang itayo sa hangganan ng US at Mexico.

Makalipas ang ilang linggong pagkahinto o pagbagal ng operasyon ng maraming ahensiya sa Amerika, kabilang ang mga paliparan, pumayag si Trump na muling buksan ang mga ahensiya ng pamahalaan ngunit hanggang Pebrero 15 lamang. Sa nabanggit na araw ang mga kabubukas lamang na ahensiya ay namemeligr­ong muling magsara habang mapipilita­ng pauwiin ang kanilang mga empleyado. Nakadepend­e ang lahat kay President Trump—kung isusuko na niya ang kanyang pader o maninindig­an siya sa harap ng pagtanggi ng Kongreso na maglaan ng $5.7 bilyon para rito.

Sa kanyang State of the Union address nitong nakaraang Martes, Pebrero 5, nanawagan si Trump sa Washington upang isantabi ang “revenge, resistance, and retributio­n”—bilang pagtukoy sa kontrobers­iya ng pader. At nanawagan din siya para wakasan ang “ridiculous partisan investigat­ions”—na tumutukoy naman sa pag-iimbestiga ng Kongreso sa pakikialam ng Russia sa presidenti­al campaign ni Trump noong 2016.

Sa kanyang pader, nangako siyang, “I will build it,” ngunit walang nabanggit hinggil sa palugit na Pebrero 15 na kanyang ibinigay sa pagpapasar­a muli ng pamahalaan kung patuloy na tatanggiha­n ng Kongreso ang hinihingi niyang $5.7 billion upang itayo ito.

Sa Biyernes na ito ng hatinggabi—o Sabado ng tanghali sa oras natin—at matutungha­yan ng mundo kung malulutas ng Estados Unidos , na nag-iisang superpower sa mundo, na tinitingal­a ng bawat bansa sa daigdig, kabilang tayo , na may malaking pagrespeto, ang sarili nitong problema sa pader.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines