Balita

Stars, binatikos sa pananahimi­k sa isyu ni 21 Savage

-

LOS ANGELES (Reuters) – Hindi nabanggit ang isyu ng U.K.born rapper na si 21 Savage, na nahaharap sa deportatio­n mula sa Amerika, sa ginanap na Grammy Awards show nitong Linggo, dahilan upang batikusin ng mga fans sa social media ang mga Hollywood stars sa pananahimi­k ng mga ito.

Nitong nakaraang linggo, inaresto ng U.S. Immigratio­n and Customs Enforcemen­t (ICE) agents si 21 Savage sa Atlanta, kung saan siya lumaki, at nanatili sa detention.

Nominado siya sa dalawang Grammy Awards para sa kanyang paglabas bilang featured artist sa Rockstar ni Post Malone.

Isa naman sa pinasalama­tan ng Swedish composer na si Ludwig Goransson si 21 Savage. Sa kanyang acceptance speech para sa kanyang contributi­on sa Grammy-winning record ni Childish Gambino na This Is America, sinabi niyang “[21 Savage] should be here tonight.”

Nakunan din ng larawan si Post Malone sa backstage na nakasuot ng T-shirt na may pangalan ni 21 Savage, na naka-terno sa kanyang embroidere­d jacket bago siya magtanghal kasama ng rock group na Red Hot Chili Peppers.

Maraming social media users ang bumatikos kay Post Malone sa pananahimi­k nito kay 21 Savage sa performanc­e.

“Big missed opportunit­y for @PostMalone to advocate for @21savage’s release from #ICE during his performanc­e of Rockstar, which features 21,” pahayag ng civil rights group na Color of Change sa Twitter.

Sinabi naman ng Twitter user na si Venus Sisi Eko: “The only person to shout out 21 Savage all night was a white boy from Sweden. No. One. Else. Not even Post Malone, with whom he shares a Grammy-nominated song. SHAMEFUL.”

Higit 435,000 katao na ang lumagda sa isang online petition na ginawa ni Patrisse Cullors, isa sa mga founders ng Black Lives Matter movement, na nananawaga­n na payagang manatili sa Amerika si 21 Savage.

Inaresto ang 26-anyos na entertaine­r, na may real name na Sha Yaa Bin Abraham-Joseph, dahil sa akusasyon ng “overstayin­g’ sa kanyang visa matapos itong dumating sa bansa mula Britain noong 2005.

 ??  ?? 21 Savage
21 Savage

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines