Balita

Barbie, maghapon iniyakan ang eksena

-

NINE years na sa showbiz si Barbie Forteza, at thankful siya sa GMA Network dahil magaganda at ibaiba ang characters na ginagampan­an niya.

Pero sa lahat ng proyektong nagawa ni Barbie, naiiba itong Kara Mia, na pagsasamah­an nila ng best friend niyang si Mika dela Cruz.

“Marami po akong nagawang mahihirap na eksena sa mga previous projects ko, pero ito lamang ang may eksenang iniyakan ko nang buong araw,” nakangitin­g kuwento ni Barbie.

“Kung nakikita po ninyo iyong trailer namin na nakabitin kami ni Mika sa isang footbridge, hindi ko alam kung paano ako nakatapos doon. Maghapon po kasi naming kinunan iyon dahil paiba-iba ng anggulo, pero iniyakan ko talaga iyon.

“May fears po kasi ako sa height at kailangan talaga namang gawin iyon, hindi puwedeng i-double dahil mahahalata. Mahina ang loob ko talaga sa ganoon, mabuti si Mika, matapang, siya iyong nakaharap sa kalye at nakikita niya lahat ng nangyayari sa ibaba, ako po kasi iyong nakataliko­d.

“Kaya labis ang pasasalama­t namin ni Mika nang matapos iyon. Salamat po kay Direk Dominic Zapata at sa buong production team,” sabi pa ni Barbie.

Sa Monday, February 18, na ang premiere telecast ng Kara Mia after 24 Oras kaya makakatapa­t nila ang top-rating teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsiya­no. May pressure ba sa kanila iyon?

“Hindi ko po iniisip iyon. When we started naman po, wala silang sinabi kung saang timeslot kami ilalagay. Desisyon po iyon ng management, at siguro may nakikita sila sa Kara Mia at sa potential nito.

“Dati po kasi action ang itinatapat din nila sa action. This time, naiibang klase naman ng drama series ang mapapanood ng mga viewers. At lahat po kami sa cast, nangakong gagawin namin ang lahat para mapaganda ang show namin at masiyahan ang viewers namin every night.

“Naiiba po kasi ang concept at unique ang story namin maraming magiging interesado kaming panoorin.”

Makakasama rin nina Barbie at Mika sina John Estrada at Carmina Villarroel, na gaganap na parents nila. Nasa serye rin sina Glydel Mercado, Alicia Alonzo, Liezel Lopel, Gina Pareño, at si Mike Tan ang engkantong si Iswal.

Katambal ni Barbie ang reel and real boyfriend na si Jak Roberto, at si Paul Salas

naman ang katambal ni Mika.

 ??  ??
 ??  ?? Barbie
Barbie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines