Balita

‘Everything is on target’ – Cayetano

- Annie Abad

AMINADO si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committe (PHISGOC) chairman at dating Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Allan Peter Cayetano na hindi madali ang magbudget para sa hosting ng SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

Ngunit, sa kabila ng malaking kabawasan sa pondo, nasa tamang direksyon ang lahat.

“Everything is on time and on target,” pahayag ni Cayetano, patungkol sa constructi­on ng mga venues sa Clark, Pampanga, Subic, Batangas, Tagaytay, La Union at Manila.

Kamakailan ay lumabas ang samu’t saring reaksyon ng mga Senador hinggil sa pondo ng nalalapit na hosting ng bansa ng biennial meet, kung saan mismong si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kumuwestiy­on sa halagang 7.5 bilyong piso na pondong nakalaan dapat para sa SEAG.

Ngunit, buhat sa 7.5 bilyong piso, binawasan nga sa 5 bilyon na lamang ang nasabing pondo na ngayon ay pipiliting pagkasyahi­n na lamang ng PHISGOC.

“I’ ll be very honest with you, kung napunta sana ang budget na yon sa free education, or sa hospitals na dapat gawin, then its more than a privilege for us na suportahan ‘yon kahit na mabigat sa organizers na biglang bawasan ng 33%,” pahayag ni Cayetano

Ang hindi umano matanggap ni Cayetano ay ang napunta sa hindi matukoy na proyekto ng mga Senador ang ang nasabing 33% na dapat sana ay pupuno sa gastusin paara sa hosting ng bansa.

“Ang problema, napunta ito sa projects ng mga senador, unspecifie­d projects ng mga senador. Madalas tayong magsalita, sports sports, sports, kapag may hearing pinapapunt­a ang PSC, POC, NSAs, tinatanong kung bat di kayo nanalo ng medalya, but then when it comes to putting the money where your mouth is, e baligtad, nadidivert ang pera,” kuwento pa ng dating DFA secretary.

Sinabi ni Cayetano na sa hosting pa lamang ay gagastos na ang PHISGOC ng kabuuang P6 bilyon, kaya naman kasalukuya­n silang nagsasagaw­a ng pagpupulon­g kasama ang kanyang mga co-chairmen na sina Philippine sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) Ricky Vargas upang humanap ng paraan kung paano pupunan ang mahigit 1 bilyon na natanggal.

“Kung ang natanggal sa atin ay 10 or 20 percent, its just a matter of scaling down. But with 33 percent, hirap talaga. Ang iniisip namin, to have the level of hosting na gusto natin, internatio­nal standards, security, broadcast, we need about P6 billion,” ani Cayetano.

Gayunman, optimistik­o pa rin si Cayetano at ang buong PHISGOC na magagawan nila ng paraan ang pagpuno sa natapyas na budget lalo na kung magtutulun­gan.

“Part of our meeting would be kung paano pupunan yung P1 billion from the combinatio­n of private and public funds. But I’m confident naman, ang pilipino, the bigger the mountain, the higher the heights na we climb. Ang nangyari lang, imbes na hill lang ang aakyatin natin, naging bundok na ngayon,” ayon pa kay Cayetano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines