Balita

‘Captain Marvel’, may fund-raising

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

SA tulong ng Marvel superheroe­s, kumakalap ng P100,000 ang isang non-government organizati­on (NGO) upang pondohan ang feeding at scholarshi­p programs sa ilang komunidad sa Negros at sa Metro Manila.

Sinabi ni Ahmed Davis, head ng James MacKay Foundation Inc. (JMFI), na kakalap sila ng P100,000 at higit pa upang matustusan ang feeding at scholarshi­p programs ng foundation sa unang tatlong buwan ng 2019.

“We are currently feeding over 50 children around the metro and seeking for more scholar to add to our growing list of James Mackay Foundation Inc. honors. We have been doing our feeding programs in the province in particular­ly Negros and 2019 started with Metro Manila communitie­s,” sabi ni Davis.

Dahil dito, sinabi ni Mafae Yunon Belasco, marketing head ng JMFI, ii-sponsor ng foundation ang world premiere ng pinakaaaba­ngang pelikula na Captain Marvel—na pinagbibid­ahan nina Brie Larson, Samuel J. Jackson, McKenna Grace, at iba pa—sa Rockwell Power Plant sa Makati City sa Marso 10, 2:00 ng hapon. Hindi ito ang unang beses na kakalap ng pondo ang foundation sa isang movie premiere. Noong nakaraang taon, pinangunah­an ng JMFI ang movie premieres for a cause ng

Wonder Woman at Justice League.

Nag-top five sa Miss World 2003, sinabi ni Mafae na sa nasabing event ay ipinaaalam sa mga guests ang mga aktibidad ng foundation, bukod pa sa may meet and greet sa mga benepisyar­yo mula sa Philippine National School for the Blind (PNSB).

Todo-suporta rin ang mga sponsors gaya ng The Parenting Emporium, The City Club Alphaland Makati, sa tulong ng general manager na si Nic Belasco; Tasty Tucker; Mackay Green Energy, Inc.; Ramen Metro; Bless Okiniiri; Buensuceso Sondia Constructi­on Corp.; Marco Polo Hotel; Johnson & Johnson; at New Era.

Sponsors din ang Aegle Wellness Center, Happy Skin, Marie France, JCI Makati, Rotary Dasmariñas, Thames Internatio­nal Business College, at Belasco Unlimited Skills Academy.

Sinabi ni Mafae na nagsasagaw­a rin ang foundation ng iba pang mga proyekto sa larangan ng edukasyon, healthcare, pangkabuha­yan at sports.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines