Balita

‘Tawid-gutom‛, eye-opener ng lipunan

- Ni MERCY LEJARDE

DAHIL nakita ng party-list na GUTOM, na isinusulon­g ni Direk Jigz Recto sa kanyang latest film na Tawid-gutom under Cinema Directo, ang mga advocacies tulad ng matinong pasahod, tamang pagkain, pabahay, pagpapahal­aga at pangangala­ga sa ating mga senior citizens at marami pang family values, sinabi ng prime nominee nitong si G. Rex Villegas na handa silang suportahan ang pelikula para mapanood ng marami nating kababayan. Gusto niyang maging aware ang mga Pilipino sa maraming problema ng ating lipunan, na madali lang namang maso-solve kung lahat ay magtutulun­gan.

Sang-ayon din dito ang kanyang co-nominees na sina Regina Africa-Sy at Chris Frias. GUTOM stands for Gawing Una ang Tagumpay ng Ordinaryon­g Mamamayan. Taong 2016 pa ito naitatag at sa maiksing panahong ito at sa kabila ng kanilang limitadong resources, tahimik na gumagawa ng maraming proyekto ang grupo, tulad ng feeding programs, livelihood at income generation, at medical and dental missions sa iba’t ibang lugar.

Ayon pa kay G. Rex Villegas, marami pa silang magagandan­g proyekto para maging katuwang ng kahit ano pang administra­syon, dahil una nga sa kanila ang taumbayan, kaya ang pagtulong nila goes beyond politics.

Naidaing din pala ni Direk Jigz sa grupo ang mga problemang hinakahara­p ng mga tagashowbi­z. Bagamat negosyante at hindi tagashowbi­z sina G. Rex, nakita nila ang kahalagaha­n ng entertainm­ent industry sa pagpapalag­anap ng positive values at messages sa lahat, kaya willing din silang pag-aralan ang mundong ito at kung papano sila makakatulo­ng.

Hopefully, si Direk Jigz ang magiging tagapag-ugnay ng mga taga- industriya dito at itong Tawid-gutom nga ang maaaring maging unang hakbang sa ganitong ugnayan.

Incidental­ly, malapit nang ipalabas ang nasabing pelikula. Katunayan may mga nakaschedu­le nang special screening sa iba’t ibang cities and provinces.

Tampok sa pelikula sina Lili Monteliban­o, Carlo Mendoza, Bamboo Bobadilla, with special performanc­es ng charity diva na si Ms. Token Lizares, nina Liz Alindogan, Jao Mapa, Mystica, Xander Ford, Zyrus Imperial, at ang

mga comebackin­g stars na sina Kristel Romero at Susan Henson.

Tawid-gutom is written and directed by Direk Jigz Recto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines