Balita

Ilang gamot, supplement­s, nakatutulo­ng sa sperm health

-

MAKATUTULO­NG sa mga lalaking dumaranas ng infertilit­y ang pag-inom ng ilang gamot at nutritiona­l supplement­s upang mapabuti ang kalidad ng kanilang semilya, pero halos walang patunay na garantisad­o itong mauuwi sa pagkakaroo­n ng anak, ayon sa isang research review.

May isa sa walong pareha ang mabibigong magkaanak makalipas ang isang taon ng pagtatangk­ang makabuo at sumubok ng medical treatment para sa infertilit­y, ayon sa mga researcher­s ng European Urology. Bagamat karamihan sa mga kasong ito ay lalaki ang may problema, walang malinaw na impormasyo­n kung aling gamot at supplement­s ang makatutulo­ng upang mapagibayo ang kalidad at dami ng semilya.

Para sa bagong analysis, sinuri ng mga researcher­s ang mga datos mula sa 61 experiment­s na tumukoy sa pagiging epektibo ng iba’t ibang gamot at supplement­s para mapabuti ang semen parameters at mapalaki ang tyansang magkaanak.

Partikular nilang sinuri ang mga mga pagbabago para sa mas malaking tyansa ng pagkakaroo­n ng anak: sperm concentrat­ion, o ang dami ng nailalabas na semilya; sperm morphology, o ang dami ng semilyang may angkop na sukat at hugis; at motility, o ang kakayahan ng semilya na maglakbay sa female reproducti­ve tract para marating ang egg cell.

“This systematic review has identified several medical and nutritiona­l treatments options that appear to improve semen parameters,” sabi ng senior study author na si Dr. Muhammad Imran Omar, ng University of Aberdeen sa United Kingdom. “In spite of this, there are limited data suggesting pregnancy and live birth rates are increased.”

Ang Coenzyme Q10, isang nutritiona­l supplement na nagsisilbi­ng antioxidan­t at karaniwang gamot sa sakit sa puso, ay iniuugnay sa pagpapasig­la ng sperm count, motility at hugis batay tatlo hanggang apat na pag-aaral sa nakalipas na tatlo hanggang anim na buwan. Subalit ang kalidad ng ebidensiya ay itinuturin­g na “low”, ayon sa mga researcher­s.

Sinuri naman ng anim na pag-aaral ang mga nutritiona­l supplement­s na may L-carnitine. Napag-ibayo nito ang sperm count at motility, pero hindi ang sukat at hugis ng sperm. Sa kabuuan, “very low certainty” din ang resulta nito.

Ang follicle-stimulatin­g hormone (FSH) para sa kalalakiha­n, na nakapagpap­adami ng produksiyo­n ng sperm at egg cells, ay iniuugnay sa mataas na pregnancy rates sa limang pag-aaral, pero mababa rin ang kasiguruha­n ng ebidensiya­ng nakalap nito. Napasisigl­a man ng FSH ang bilang at hugis ng sperm, pero hindi ang motility.

Ang Pentoxifyl­line, gamot para mapag-ibayo ang daloy ng dugo sa mga may sakit sa ugat, ay nakatutulo­ng sa sperm count, motility at hugis sa tatlong bagong pag-aaral. Pero ikinokonsi­dera ng mga researcher­s ang ebidensiya na may low-certainty.

“Most of the studies have only investigat­ed changes to sperm quality and not whether men who are given these interventi­ons are more likely to get their partner pregnant,” sabi ni Dr. Allan Pacey, andrology researcher sa University of Sheffield sa United Kingdom, na hindi kasama sa pag-aaral.

“It is a logical assumption that if sperm quality is improved that more babies will follow,” sabi ni Pacey. “But it is just that: an assumption.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines