Balita

Non-master chess sa Panagbenga

-

TAMPOK ang ilang pambato na non-master chess players sa buong bansa sa pagtulak ng 44th Non-Master Chess Tournament n sa Marso 8-9 sa Baguio Center Mall sa Baguio City.

Inorganisa ni tournament Director Mr. Arnie Ignacio ng Baguio Centermall na suportado ng Puyat Sports, Kirby Exhibits & Shows, Wonderpark at ng Chowking, ang twoday event ay isinagawa kaalinsaba­y ng pagdaraos ng Panagbenga Festival. Ang Panagbenga ay mas kilala sa tawag na “Blooming Flowers Festival”, isang taunang festival sa Baguio City.

Nakalaan sa magkakampe­on sa prestigiou­s, non-master tournament ay ang top prize P7,000 at medal. Habang ang runner-up at third placer ay tig P5,000 at P3,000, plus medals ayon sa pagkakasun­od. Ang fourth hanggang 10th placers ay mag-uuwi ng tig P1,000, P800 at P500.

May special prizes din para sa Top Junior (13-19 years old), Top Lady, Top Senior and Top 9-under (kiddies division).

Sa mga nagnanais lumahok, tumawag o mag-text kina tournament Director Mr. Arnie Ignacio ng Baguio Centermall sa 0923-282-5990, Mr. Teddy Lumauig Sarmiento sa 0910-773-1000 at Mr. Jeffrey Barry sa 0947-975-0948 para sa dagdag detalye.

Samantala ay nasikwat ni reigning ASEAN Para Games gold medallist Felix Mijares Aguilera ng Manila ang korona ng Pines City Chess Club (PCCC) 15th Rapid Chess Tournament para sa Non-master below 2050 nitong Pebrero 16.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines