Balita

4 na Chinese, laglag sa kidnapping

- Bella Gamotea

Inaresto ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNPAKG) ang apat na Chinese, na umano’y miyembro ng Loan Shark Syndicate, matapos umanong dukutin ang kanilang kababayan dahil sa utang sa casino, sa rescue operation sa Makati City, nitong Miyerkules.

Nasa kustodiya ng AKG headquarte­rs sa Camp Crame, Quezon City sina Youhua Wu, 31; Harming Li, 36; Zhao Ping Zheng, 30; at isa pa na hindi pinangalan­an ng awtoridad.

Kasamang dinampot ng mga pulis ang nagsisilbi­ng kasambahay ng mga suspek na si Maribel Jamil y Mahasol, nasa hustong gulang.

Na-rescue naman ng awtoridad ang biktima na si Jianting Chen, 30, ChineseAus­tralian.

Sa ulat, nagsagawa ng rescue operation ang PNP-AKG, sa pangunguna ni Senior Supt. Roldan Luna, at naaresto ang mga suspek at nasagip ang biktima sa bahay sa No. 9387-A Calantas Street, Barangay San Antonio, Makati City, bandang 1:30 ng hapon.

Ilang araw pa lamang sa Pilipinas ang biktima at aminadong nagsugal at natalo kaya nagkautang nang malaki sa isang casino agent, na sanhi ng pagdukot sa kanya at dinala sa naturang bahay.

Hiningan umano ng mga suspek ng RMB 200,000 o halos P1.5 milyon ang pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan nito at nagbanta pa umanong puputulan ng mga daliri si Chen kung hindi makapagbib­igay ng pera, dahilan upang humingi ng tulong ang kaibigan nito sa AKG.

Nabatid na bigo ang mga suspek na magpakita ng anumang dokumento na magpapatun­ay ng kani-kanilang pagkakakil­anlan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines