Balita

HEPE ARESTADO SA PRESINTO

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Dinakma ng mga tauhan ng Anti-Scalawag Unit ng Philippine National Police (PNP) ang hepe sa presinto ng Maritime Police sa Cavite dahil umano sa pangongoto­ng nito sa isang grupo ng mga mangingisd­a sa Tanza, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP-Counter Intelligen­ce Task Force (CITF) chief, Senior Supt. Romeo Caramat, ang nadakip na si Supt. Armandy Dimabuyo, hepe ng 402nd Cavite Maritime Police.

Arestado si Dimabuyo sa entrapment, matapos na tanggapin umano sa mga mangingisd­a ang P18,000 grease money sa loob ng opisina nito dakong 7:00 ng umaga kahapon.

Kaagad namang sinibak ni Chief Supt. Rodelio Jocson, director ng PNP-Maritime Group (MG), ang lahat ng tauhan ng Cavite Maritime Police, at pinalitan ng mga operatiba ng MG Special Operations Unit.

Paglilinaw ni Caramat, umaksiyon lang sila sa mga reklamo ng isang samahan ng mga mangingisd­a sa lugar kaugnay ng pangingiki­l umano sa kanila ni Dimabuyo.

Sa reklamo, binanggit ng mga mangingisd­a na humihingi umano si Dimabuyo sa kanilang asosasyon ng P19,000-21,000 kada buwan upang payagan silang makapangis­da sa lugar.

Ayon sa mga complainan­t, napupunta lang umano kay Dimabuyo ang maliit na kita nila sa pangingisd­a, kaya nagpasya na silang isumbong sa mga awtoridad ang iligal na gawain ng hepe.

Si Dimabuyo ay nasa kustodiya na ng PNP-CITF headquarte­rs sa Camp Crame, Quezon City at nahaharap sa mga kasong administra­tibo at kriminal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines