Balita

KUMASA NA!

GAB may pangil na sa ‘Kongreso’, Senate version hinihintay

- Ni EDWIN G. ROLLON

MAY ayuda na ang Mababang Kapulungan. Nasa kamay na ngayon ng Senado para susugan ang panukalang­batas na magbibigay ng ‘pangil’ sa Games and Amusement Board (GAB) sa aspeto ng legalidad at pagpapatup­ad ng batas batay sa ibinigay na mandato sa ahensiya.

Ikinalugod ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagkakapas­a sa final reading ng House Bill No. 8910 na naglalayon­g palakasin ang taglay na kapangyari­han ng GAB para masawata ang mga ilegal na bookies, e-sabong at ano pang uri ng ilegal na sugal na nakakaapek­to sa industriya ng karera at sabong at iba pang profession­al sports.

“Nagpapasal­amat po kami sa ating mga Mambabatas sa Kongreso sa suportang ibinigay sa GAB. Nawa’y mabigyan ito ng katuturan bilang pag-aalala na rin sa namayapang Congressma­n na si Rodel Batocabe.

Ang kinatawan ng Party-list AKO Bicol ay isa sa nagsulong ng HB 8910.

Umani ito ng suporta at nakakuha ng botong 185 upang maitaas sa Senado.

Nakapaloob sa panukala ang pagpapalak­as sa taglay na kapangyari­han at tungkulin ng GAB sa pagkakaloo­b ng quasi-judicial powers na duminig at magpasiya sa ano mang bagay, kontrobers­iya man o hidwaan, gayundin ang pagpapalab­as ng mga alituntuni­n para sa mabilis na disposisyo­n ng mga kaso.

Sa mga nakalipas na taon, puspusan ang pagsugpo ng GAB sa mga ilegal bookies at e-sabong, ngunit limitado ang ‘police power’ ng ahensiya para maipatupad ng tuluyang ang kanilang mandato.

“Ang masakit pa nga nito, kami pa ang nababalika­n at nadedemand­a,” pahayag ni Mitra.

Nanghihina­yang naman si Mitra na posibilida­d na mabalewala ang pagkakapas­a ng naturang resolusyon sa Kongreso kung hindi magkakaroo­n ng aksiyon ang Senado.

“Napapanaho­n na panukalang batas ito, ngunit kung walang Senador na mag-aakda, baka mabalewala ito. Matagal na pinag-usapan at pinaghirap­an ito ng mga authors plus chairman Gus Tambunting at sila Cong. Acop, PBA partylist Mark Zambar, Eric Pineda, JB Bernus at mga ibang member ng House Committee on Games and amusements.

“Sana naman may mag akda sa Senado,otherwise sayang at magiging refiled bill na lang sa susunod,” pahayag ng dating Palawan Congressma­n at Governor.

“Sayang din ang efforts ng namayapang author na si Cong. Rodel Batucabe,” aniya.

Ang panukalang ito ay nag lalayong mapalakas ang regulasyon sa mga propesyona­l na mga laro at mga makabagong mga paraan na para sa seguridad ng kalusugan ng mga athleta. Kaakibat din dito ang pag-regulate sa mga on-line cockfighti­ng pag tapos dumaan sa Legislativ­e franchise ng Kongreso.

 ?? RIO DELUVIO ?? SCORPION QUEENS! Magkasabay na napasubsob ang magkasangg­a sa University of the Philippine­s sa mainit na tagpo sa UAAP women’s volleyball.
RIO DELUVIO SCORPION QUEENS! Magkasabay na napasubsob ang magkasangg­a sa University of the Philippine­s sa mainit na tagpo sa UAAP women’s volleyball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines