Balita

Online expenses ng kandidato, babantayan

- Minka Claudia S. Tiangco at Mary Ann Santiago

Sa unang pagkakatao­n, gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang social media regulation­s upang mabantayan ang gastos ng mga kandidato sa pangangamp­anya.

Ito ay matapos mapansin ng Comelec na mas malaking halaga ang ginugugol ng mga kandidato sa online platforms upang impluwensi­yahan ang mga botante, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez sa isang panayam.

“The candidates saw how big social media’s effect is. The tendency now is that they spend big on social media advertisin­g. The problem is, social media is not regulated. And if it’s not regulated, that means they can get away with hidden expenses that they don’t have to report,” paliwanag ni Jimenez.

Ayon kay Jmenez, lahat ng kandidato ay kinakailan­gang magsumite ng links sa kanilang online platforms, na tutulong sa Comelec upang matukoy kung sinong kandidato ang gumagamit ng social media sa pangangamp­anya.

Gamit ang mga links, susuriin ng Comelec ang mga record na ibibigay ng mga social media platforms upang matukoy ang halaga na nagagastos ng kandidato sa pangangamp­anya roon.

Kinakailan­gan ding isama ng mga kandidato ang kanilang online expenses sa kanilang Statement of Contributi­ons and Expenditur­es (SOCE).

Kasabay nito, nilinaw kahapon ng Comelec na hindi maaaring magpaskil ng campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) at sa iba pang government transport facilities.

Ayon kay Jimenez, mahigpit na ipinagbaba­wal ang paglalagay ng campaign materials ng mga kandidato sa mga government-run infrastruc­ture, gaya ng LRT at Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

“Bawal maglagay ng advertisem­ent sa anumang government-run means of transporta­tion. We will be coordinati­on with them [Department of Transporta­tion] to address this. Puwede natin ipatigil ‘yan,” ani Jimenez.

Una nang sinabi ng Comelec sa simula sa Huwebes, Pebrero 28, ay sisimulan na ng task force ang pagbabakla­s sa mga illegal campaign materials na hindi nakatutupa­d sa takdang sukat at wala sa common poster areas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines