Balita

MILF, haharap sa panibagong ‘pakikibaka’

- Ali G. Macabalang

COTABATO CITY – Matapos ang mahabang panahon ng pakikibaka sa pamahalaan, panibagong hamon naman ngayon ang nakikitang kakaharapi­n ng mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ay nang manumpa bilang chief minister ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang chairman ni MILF na si Murad Ebrahim, sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang din sa nanumpa ang 40 pang kasamahan ni Ebrahim.

Sa nasabing seremonya, ipinangako ni Ebrahim na pangunahan nito ang pamamahala sa BTA upang maisulong at maprotekta­han ang kapakanan ng publiko kaugnay ng pagtatatag nasabing panibagong pamahalaan na mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Malaki at panibagong hamon aniya sa kanya ang pamamahala ng BTA.

Kabilang din sa 41 appointed nominees mula sa MILF ay si Abdullah “Commander Bravo” Macapaar, na nanguna dati sa mhga pag-atake sa Lanao del Norte noong 2008 matapos ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MoA-AD).

Nauna nang naiulat na “cleared” si Macapaar o wala nang nakabinbin­g kaso laban sa kanya.

“I guarantee that you and this administra­tion will use all the resources within its disposal to ensure better governance and inclusive political empowermen­t in this new Bangsamoro region,” ang bahagi naman ng pahayag ni Duterte nang humarap sa mga miyembro ng BTA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines