Balita

Unang volcano monitoring station ng Pilipinas

-

BINUKSAN na kamakailan ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) ng Department of Science and Technology (DoST) ang unang borehole seismic monitoring station ng bansa malapit sa Taal Volcano, sa isang demonstrat­ion farm sa Barangay Bilog-bilog sa lungsod ng Tanauan City, Batangas.

Pinangunah­an nina DoST Undersecre­tary for Disaster Risk Reduction at Climate Change at Phivolcs Executive Director Dr. Renato Solidum, Jr. at ni Mayor Jhoanna Corona-Villamor ang mga dumalong opisyal ng pamahalaan sa pagbubukas ng volcano monitoring station na gumagamit ng solar-powered state-of-the-art borehole broadband seismomete­r, nitong Martes.

“Taal Volcano is considered a small volcano yet, it is one of the most active volcanoes which could erupt anew. We cannot discount the possibilit­y it will erupt again, although we may no longer be around that happens, but we need to prepare and to monitor,” pagbabahag­i ni Solidum.

Ipinaliwan­ag niyang ang modern borehole seismomete­r, ang pinakabago­ng equipment na kayang makadetekt­a ng maliit o malaking bulkan, kasama ang mga paggalaw nito at mga lindol na dulot ng mga faults at trenches na nasa loob ng teritoryo ng bansa at maging ang mga paglindol sa mga kalapit na bansa.

Bilang bahagi ng Phivolcs National Volcano Monitoring and Warning Program, ang VTTA o ang Tanauan Observatio­n Station ay isang cutting-edge equipment na nakakabit sa lalim na 20 metro mula sa ilalim ng lupa, na kasama ng digital data recorder, power, at real-time communicat­ion system.

Pangunahin nitong hangarin ang mabantayan ang mga paglindol sa ilalim ng Bulkang Taal, ngunit may kapasidad din ito na matukoy ang mga lindol na dulot ng paggalaw ng mga aktibong faults at iba pang earthquake generators sa Pilipinas.

Ayon kay Maria Antonia Bornas, Phivolcs Chief Science Research Specialist of the Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division (VMEPD), ang Tanauan station ay ang ika-13 seismic observatio­n station sa loob ng Batangas.

Paliwanag ni Bornas, magkaiba ang borehole seismomete­r differs mula sa seismomete­rs dahil sa “high-quality detection” nito sa lahat ng uri ng lindol sa loob man o sa labas ng lugar ng bulkan, kabilang ang kakayahan nito na ma-monitor ang mga paglindol sa labas ng bansa.

“Next year, the VTTA would have high quality GPS System which could measure ground swelling in the volcano’s perimeter and infra-sounds system which could detect various sounds arising from the undergroun­d movements and surface volcanic activities,” aniya.

Samantala, nangako si Mayor Jhonna Corona-Villamor ng lubos na suporta ng lungsod para sa mga programa at proyekto ng Phivolcs-DoST.

Pinuri rin niya ang VTTA project bilang patunay ng kolektibon­g pagsisikap ng DoST-Phivolcs, katuwang ang probinsiya ng Batangas, upang patuloy na mapaunlad ang kakayahan ng bansa para sa early-warning ng potential unrest, at ang walang sawang pagtulong upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad na banta ng panganib na idinudulot ng Bulkang Taal.

Ipinakilal­a naman ni Melissa Mae Tamayo, Science Research Specialist I of Phivolcs-Geologic Disaster Awareness and Preparedne­ss Division, ang “InfoSentro” ng ahensiya na layong magbigay ng detalye at mga ulat mula sa mga Batangas-based monitoring stations sa lugar, kabilang ang mga proyekto ng Phivolcs at ang Disaster Risk Reduction programs, upang mapaunlad ang kahandaan ng publiko at kaalaman ng mga ito sa mga geological activities.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines