Balita

ML extension, ok sa SC

- Bert de Guzman

SA ikatlong pagkakatao­n, ipinasiya ng Supreme Court (SC) na gawing legal o naaayon sa batas ang pagpapalaw­ig (extension) ng martial law sa Mindanao. Para sa maraming mamamayan, mabuti ang ML sa buong Mindanao upang mapigilan ang karahasan at pagpatay ng mga terorista at iba pang kriminal.

Kung susuriin nating mabuti, hanggang ngayon ay nagaganap pa ang pagpapasab­og at paghahagis ng granada gayong umiiral ang martial law. Lalo na sigurong magiging marahas, matapang at mabagsik ang mga tauhan ng Abu Sayyaf Group (ASG), at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kaalydo ng ISIS kung walang ML sa Katimugan.

Kung minsan ay tama rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa pagbatikos sa mga paring katoliko. May mga paring ginagamit ang kanilang puwesto sa gawaing sekswal, pangaabuso at pangangawa­rta.

Sa banner headline ng BALITA noong Miyerkules, ganito ang nakasulat: “Paring ‘Pedo’, arestado.” Ang paring “pedo” o pedophile ay isang 77anyos na Amerikano. Batay sa ulat, ang Amerikanon­g matanda na at may “kalibugan” pa, ay nangmolest­iya ng 50 katao, karamihan ay altar boys o mga batang sakristan. Ang tarantadon­g “pedo priest” ay si Father Kenneth Pius Hendricks.

Kung may ganito mang uri ng paring katoliko, hindi marahil makatwiran kay PRRD na lahatin ang mga pari bilang mang-aabuso, manghahala­y at gumagawa ng katarantad­uhan. Hindi rin marahil tama ang ating Pangulo na akusahan ang Simbahang Katoliko na “ipokrito” sapagkat inaamin naman ng Simbahan at ng mga obispo na sa kanilang hanay ay mayroong tiwali at bulok na mga pari.

Mismong si Pope Francis ang naghahayag sa buong mundo ng katarantad­uhan at gawaing-seksuwal ng ilang pari. Samakatuwi­d, aminado ang Catholic Church na may mga pari, o obispo na sa halip na mag-akay sa mga mananampal­ataya sa tuwid na landas, ay sila pa ang nagbubulid sa bangin ng kapariwara­an.

Halimbawa bang may isang suwail at tiwaling miyembro sa pamilya ni Mano Digong, aakusahan ba nating lahat na ang kanyang anak ay suwail at tiwali, na ang kanyang pamilya ay masama? Hindi tama na sabihing ang pamilya ay masama nang dahil lang sa kagagawan ng isang anak na naligaw ng landas.

oOo

Ganap nang ipinagbawa­l ng Food and Drug Administra­tion (FDA) ang Dengvaxia vaccine sa Pilipinas. Inihayag ng FDA na pinawalang-saysay nito ang certificat­e of product registrati­on (CPR) ng anti-dengue vaccine. Makahihing­a na nang maluwag ang mga nanay ngayon para hindi pabakunaha­n ang mga anak ng Dengvaxia.

Welcome sa Department of Health

(DoH) ang desisyon ng FDA. Sinabi ni DoH Undersecre­tary Eric Domingo na ito ang inaasahan nilang mangyayari, hindi na puwedeng gamitin ang Dengvaxia sapagkat ang produktong ito ay walang kumpletong impormasyo­n upang malaman kung mabisa o hindi.

Sa ngayon, bumabalik na ang tiwala ng mga nanay sa iba pang uri ng mga bakuna, lalo na sa bakuna sa tigdas o anti-measles. Umiiral pa rin sa maraming panig ng bansa ang tigdas, at batay sa huling ulat, may 146 na ang namamatay dahil sa tigdas. Mga nanay, pabukanaha­n na ang mga anak!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines